Bagong mga posisyon para sa mental health program ng DepEd aprub na sa CSC

Share

INAPRUBAHAN na ng Civil Service Commission (CSC) ang bagong mga posisyon na nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12080, o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.

Sa pamamagitan ng CSC Resolution No. 2600920, opisyal nang inaprubahan ng Komisyon ang Qualification Standards (QS) para sa mga posisyon ng Schools Division Counselor (SDC), School Counselor I–IV, at School Counselor Associate (SCA) I–V.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ipinapakita lamang aniya ng hakbang na ito ang patuloy na komitment ng pamahalaan na patatagin ang kamalayan sa mental health, at mga serbisyong sumusuporta sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga komprehensibong programa sa mga paaralan.

“The approval of the Qualification Standards is a major milestone in the implementation of RA 12080. It establishes the professional standards for our school counseling workforce and brings us closer to ensuring that learners across the country have greater access to quality mental health and psychosocial support services in our schools,” pahayag ni Angara.

“By rolling out this dedicated workforce of counselors and counselor associates, we are taking a concrete step toward fulfilling the directive of President Bongbong Marcos to transform our schools into centers of genuine care, protection, and well-being,” dagdag pa ng Kalihim.

BASAHIN  Extension ng deadline ng PUVMP, nais ng House; ‘Right to work, is right to life’ - Manibela

Dahil sa pagkakapasa ng mga pamantayang ito, maaari nang simulan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng 10,000 posisyon para sa School Counselor Associate I na itatalaga sa mga pampublikong paaralan simula School Year 2026–2027.

Ang pagbubukas ng mga posisyong ito ay ang unang bahagi ng implementasyon para sa pagbuo ng school counseling workforce sa ilalim ng RA No. 12080.

Sinabi pa ng Kalihim na isang kritikal na hakbang ang pagbuo sa mga posisyong ito upang mapalawak ang counseling services sa loob ng mga eskwelahan at mapatibay ang suporta sa mga mag-aaral sa buong sistema ng basic education.

Kasunod nito, inihahanda na rin ng DepEd ang mga kinakailangang alituntunin sa pagpapatupad upang simulan ang recruitment, appointment, at deployment ng mga kwalipikadong School Counselor Associate alinsunod sa mga batas at regulasyon ng civil service.

Tiniyak pa ni Angara na mananatiling nakikipagtulungan ang Kagawaran sa mga katuwang na ahensya upang masiguro ang agarang pagpuno sa mga kritikal na posisyong ito para sa mental health.

IBA PANG BALITA

Marcos courts global investors in Singapore following economic status upgrade

PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. has made a direct pitch to global investors here, urging them to partner with the Philippines as it enters...

Cultivating Creativity: 9th Ortigas Art Festival brings “Art for All” to GH Mall

THE intersection of community and culture takes center stage as the 9th Ortigas Art Festival transforms GH Mall into a vibrant, multidisciplinary hub of...

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

Grassroots groups urge Mayor Isko Moreno to ban indoor smoking and vaping areas in Manila

A coalition of 25 grassroots organizations has called on Manila Mayor Isko Moreno to implement a total ban on indoor designated smoking and vaping...

Face-to-face classes suspendido, libreng sakay inilatag ng Pasig LGU

INANUNSYO ngayong araw ng lokal na pamahalaang lungsod ng Pasig na suspendido ang lahat ng face-to-face classes bunsod ng nakaambang transportation strike sa Marso...