₱.5-M shabu nasabat sa 3 tulak sa Marikina

Share

NALAMBAT ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina City Police ang tatlo katao na sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga at makuhanan ng aabot sa 80 gramo ng shabu na aabot sa mahigit kalahating milyong piso sa ikinasang buy bust operation kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Nangka, Marikina City.

Nakilala ang mga  naarestong suspek bilang High-Value Individuals (HVI) na sina Marcelo Grande, Jr, 39-anyos, Fatima Pastores, 35-anyos at Bainot Mangulamas, 33-anyos pawang mga residente ng nasabing siyudad.

Inaresto ang tatlong suspek ng mga tauhan ng SDEU na nagsagawa ng buy bust operation bandang 1:10 Huwebes ng madaling araw sa  kahabaan ng Jaybee St., Brgy. Nangka, Marikina City.

BASAHIN  27 barangay sa Pasig nabigyan ng de-kalidad na PTV, Mayor Vico bumida

Nakumpiska mula sa mga suspek ang  10 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 80 gramo at nagkakahalaga ng P544,000.00, isang knot-tied transparent plastic bag, coin purse, pouch, isang unit ng motorcycle Rusi 125 na may plakang 4850UA, P500 bill recovered buy-bust money at tatlong P100 bill confiscated money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina custodial facility habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165. 

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Jinggoy, ‘Magnanakaw, abusado at corrupt’ – Jessant So

HINDI nakalusot sa korte ang paninira kay Senador Jinggoy Estrada, nang sabihin nito na angsenador ay "magnanakaw, abusado at corrupt na opisyal at isang...