KUMALAT na sa social media ang conversation (convo) ng dalawang lalaking estudyanteng suspek sa insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City Lunes ng umaga, Hunyo 22, 2026.
Ayon sa impormasyon na nakalap ng Philippine National Police (PNP) Region 8, lumalabas na mahigit isang buwan di-umano pinagplanuhan ng dalawa ang insidente.
Sa kumalakalt na palitan ng private messages (PM), kapansin-pansin na pinag-uusapan din nila ang may kaugnayan sa batas para sa mga menor de edad na sa kanilang pagkakaunawa sa hindi sila mananagot kahit na nakagawa sila ng krimen.









Dahil dito, muling napag-uusapan sa social media ang Republic Acvt No. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na isinabatas ni Senador Francisco “Kiko” Pangilinan.
Ang nasabing batas ay magiging giya kung paano iha-handle ang children at risk at Children in Conflict with the Law (CICL) kung saan pangunahin dito ang restorative justice, rehabilitasyon at community-based na diversion program sa halip na criminal prosecution sa mga menor de edad.
Ang orihinal na social media convo ay isinalin na sa Tagalog upang maintindihan ng mga mambabasa mula sa orihinal wikaang Waray-Waray, bagama’t maaring hindi ito ang eksaktong literal na salin at sa halip ay kinuha ang buod ng nasabing usapan.

