Dagdag ₱2K insentibo para sa higit 1M DepEd personnel aprub na kay PBBM

Share

MULA sa kasalukuyang 18,000, inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr ang karagdagang 2,000 dagdag insentibo para sa 1,011,800 pampublikong mga guro at mga non-teaching personnel.

Ito ang ipinahayag ni Secretary Sonny Angara ng Department of Education (DepEd) na nagpaabot na rin ng pasasalamat sa pangulo dahil magiging 20,000 na ang kabuuang Service Recognition Incentive (SRI).

“Pinasasalamatan namin si Pangulong Marcos, Jr. sa kaniyang walang katulad na dedikasyon upang iangat ang kapakanan ng ating mga guro at iba pang personnel,” sabi ni Angara.

Sinabi pa ni Angara na makikipag-ugnayan siya kay Secretary Amenah Pangandaman ng Department of Budget and Management (DBM) upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng nasabing dagdag insentibo habang isinasaalang-alang ang angkop na mga polisiya.

“Ang tunay na malasakit sa edukasyon ng ating pangulo ay minsan pang nagpapatunay na pangunahin sa kaniya ang mga guro na humuhubog sa kinabukasan ng ating bansa,” dagdag pa ng kalihim.

BASAHIN  SIM card registration, isang buwan na lang

Inatasan din ng pangulo si Pangandaman na ipatupad ang mga mekanismo sa kinakailangang pondo upang maihanda na ang proseso sa implimentasyon ng SRI.

“Malaking tulong ito sa ating mga guro at kawani para sa kanilang paghahanda para sa kapaskuhan at sa pagsalubong ng bagong taon,” giit pa ni Angara.

Kasunod ng tagubiling ito ng pangulo, tiniyak ni Angara na patuloy niyang pangangalagaan ang kapakanan ng mga empleyado ng ahensiya sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

“Napakagandang regalo nito ng ating administrasyon na kinikilala ang sakripisyo at serbisyo ng ating mga kaguruan,” pagtatapos ng kalihim.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

‘Away’ Binay-Cayetano, umiigting?

TILA painit nang painit ang alitan sa pagitan ng Makati City at Taguig City governments dahil sa hindi matapos-tapos na awayan sa teritoryo. Matatandaang nagpalitan...