Hiring ng DepEd lawyers suportado ng employees union

Share

SUPORTADO at pinapurihan ng Department of Education-National Employees Union (DepEd-NEU) ang pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon sa pinakahuling aksyon nito na mag-hire ng karagdagang mga abogado para italaga sa lahat ng Schools Division Office sa buong bansa.

Ayon kay Atty. Domingo Alidon, national president ng DepEd-NEU, saludo umano sila kay Secretary Sonny Angara dahil sa suportang ipinakita nito sa kanilang hanay at nagbunga na rin ang matagal na umano nilang ipinaglalaban.

Ang pagkakaroon ng permanenteng abogado sa bawat schools division ay malaking kaluwagan aniya sa trabaho ng mga superintendent dahil matututukan na nito ang kanilang pangunahing mandato-ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.

“Ang pangunahing tungkulin ng ating mga superintendent ay pamunuan at pangasiwaan ang edukasyon. Pero dahil sa dami ng reklamo, isyung legal at administrative concerns ay madalas silang napipilitan na gampanan ito bunsod ng kakulangan sa mga abogado,” ang pahayag ni Alidon sa panayam ng mga miyembro ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps kamakailan.

Sinabi pa ni Alidon na sa ilalim ng dating patakaran, umaasa lamang ang Kagawaran sa mga abogado mula sa regional offices para tumugon sa mga isyung legal at gawaing administratibo na kailangan ang legal na mga hakbangin.

BASAHIN  Science HS sa Bacoor, Marikina pinasinayaan ni Angara

”Nagkakaroon tuloy ng backlog pagdating sa pagresolba ng mga usapin at kasong legal ganun din sa administratibong bagay ngunit ngayon ay agaran na itong matutugunan dahil may mga abogado na bawat Schools Division Office,” dagdag pa ni Alidon.

Bukod sa mga abogado, ikinatuwa rin ng employees union ang pag-hire ng karagdagang mga executive officers, administrative officers at iba pang position upang gumanap sa mga non-teaching workload na dati ay idinadagdag pa sa gawain ng mga guro.

”Dahil dito nabawasan na ang bigat ng trabaho ng ating mga guro at mas tutok sila ngayon sa pagtuturo na pangunahin nilang tungkulin para sa mga kabataang Pilipino,” giit pa ni Alidon.

Tinatayang nasa 50,000 pang mga non-teaching personnel ang kakailanganin sa buong bansa upang tuluyan nang maipasa ng mga guro ang mga gawaing walang kinalaman sa pagtuturo tungo sa mga non-teaching staff.

”Muli, pinasasalamatan namin ng lubos si Secretary Angara dahil kinilala nito ang isyu kaugnay sa matagal nang pangangailangan naming ito. Suportado namin ang hakbang na ito at kaisa kami ng ahensiya na mapabuti pa ang kalagayan ng edukasyon sa ating bansa,” pagtatapos nji Alidon.

LATEST STORIES

DOLE files motion to lift injunction on NCR wage hike

THE Department of Labor and Employment (DOLE) has taken decisive legal action to defend the stalled ₱85 minimum wage increase for workers in Metro...

Foreign national wanted for human trafficking falls in EPD dragnet

A wanted person facing charges for violation of the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 was arrested by operatives of the Mandaluyong City Police...

12 arrested in Pasay anti-fixing crackdown; two LTO officials relieved and facing charges

TWELVE individuals, including two Land Transportation Office (LTO) personnel, were arrested in a joint entrapment operation in Pasay City on August 14, as part...

Malacañang orders alternative work schemes in Metro Manila, 14 provinces due to heavy ‘Habagat’ rains

GOVERNMENT offices across Metro Manila and 14 nearby provinces have been directed to implement alternative work arrangements on Tuesday, August 18, following continuous heavy...

DepEd seeks to turn surplus farm produce into hot school meals under expanded feeding program

THE Department of Education (DepEd) is taking steps to curb local food waste while boosting student nutrition by integrating surplus farm produce into its...