High Value Individual, timbog sa ‘shabu’ sa Taguig

Share

Naaresto ng pulisya ang isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang drug buy-bust operation nitong Miyerkules ng umaga sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ng Southern Police District ang suspek na si alyas ‘Pedro,’ 44-anyos, isang construction worker.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit, matapos ang naganap na transaksyon sa pagitan ng pulis na umaktong buyer at suspek para sa pagbili ng iligal na droga.

Nagresulta ito sa pagkakadakip sa suspek at nakumpiska rin mula rito ang dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng ₱510,000, coin purse, cellphone, itim na weighing scale, ₱1,000 buy-bust money at ₱29,000 na boodle money.

BASAHIN  Ilegal na bentahan ng LPG sa Rizal nabisto, 3 arestado

Sa ngayon ay nasa Taguig custodial facility na ang suspek at kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Kongreso, iimbestigahan mga reklamo vs. domestic airlines

ISINUSULONG ni OFW Party-List Rep. Marissa Magsino ang House ResolutionNo, 1105 na naglalayung imbestigahan ang maraming reklamo partikular ngoverseas Filipino workers (OFW) laban sa...