Huling habilin ni Kris kina Joshua, Bimby?

Share

HUMINGI ng dasal si Kris Aquino kaugnay sa kanyang laban sa kanyang mga sakit, habang nagbigay siya ng tila huling habilin sa mga anak na sina Joshua at Bimby.


Ito’y matapos ang kanyang online live interview sa “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA-7 nitong Peb. 14.


Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Kris na dahil sa kanyang sakit na “Churg Strauss” ay nagkaroon siya ng “cardiomyopathy.”


Ayon sa John Hopkins Medicine, ang Churg Strauss ay isang sakit sa blood vessel na nagpapahirap sa pagdaloy ng dugo sa tissues at organs ng katawan. Samantalang cardiomyopathy ay anomang sakit na pumipigil sa puso na mag-pump ng dugo at minsa’y nagreresulta sa irregular na tibok ng puso.

BASAHIN  Poe: Cha-cha, a can of worms?


Ayon pa sa post ni Kris, “Yes, because of Churg Strauss i now have cardiomyopathy. This means my heart muscles are having trouble pumping blood due to inflammation, and because of that inflammation, it’s exhausting my heart and causing it to begin to fail and ultimately, please pray with me-sana hindi tuluyang sumuko or mag CARDIAC ARREST.”


“Please help me pray for my doctors and my nurses so that God will continue to guide them as they try to heal me… Sana, ‘hwag tayong sumuko sa ating pananampalataya na nakikinig ang Diyos sa mga Dasal [na]ng buo ang tiwala sa Kanya,” ayon pa kay Kris.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...