Mayor Nieto ng Cainta: ‘Di ko peg maki-alam sa mga galawan ng iba

Share

ITO ang tinuran ni Cainta Mayor Kit Nieto sa gitna ng kontrobersya kaugnay sa mga kapalpakan ng mga flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nagresulta sa malawakang pagbaha bunsod ng sunod-sunod na pananalasa ng mga bagyo at habagat nitong buwan ng Agosto.

Matapos humupa ang matinding buhos ng ulan, agad na nagsagawa ng paglilinis sa mga kalsada, kanal at imburnal ang lokal na pamahalaan kasabay ng paghuhukay ng mga baradong lagusan at estero.

“Hindi kami sumisikat sa pagpuna sa kahinaan o kasiraan ng iba. Kahit yun ang uso ngayon. Hindi ko lang talaga naging style yun,” ang sinabi ni Nieto sa social media post nito kahapon, Agosto 21, 2024.

Matatandaan na noong Agosto 11, isinapubliko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nangungunang 15 contractors ng Department of Public Works and Higways (DPWH) kaugnay sa flood control projects sa buong bansa.

Kinahapunan, kaagad na sinakyan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang nasabing istorya at naging highlight sa social media post nito ang pagiging top 2 ng Alpha and Omega Construction at top 3 naman ang St. Timothy Construction-—mga kumpanyang iniuugnay sa mag-awang Discaya kung saan naging katunggali nito sa pagka-alkalde si Sara noong nakaraang eleksyon.

“‘Di ko peg maki-alam sa mga galawan ng iba. Kahit abugado po ako, ang alam ko, Mayor ng Cainta ang inaplayan ko. Kung gusto ko palang mag-imbestiga at mang-usisa ng trabaho ng iba, sana sa Ombudsman o sa COA ako nagtrabaho,” ayon pa kay Nieto.

BASAHIN  Trabaho, Trabaho, Trabaho sa Laguna IT hub

Bago mag-alas-5 ng hapon noong Agosto 11, nag-post din sa kaniyang social media account si Iloilo City Mayor Raisa Treñas kung saan sinabi nito na may mga proyekto din umano ang St. Timothy at Alpha and Omega sa mga flood control projects sa kanilang lungsod na alinman sa hindi gumagana, naging sanhi ng pagbaha o non-existing pa nga.

“Sa dami ng isipin at gawain sa munisipyo, hindi ko alam kung san nila nakukuha ang oras para magsiyasat sa mga nangyayari sa LABAS ng kanilang mga nasasakupan. May mga taong nakatalaga para sa trabahong yun. Sila ang dapat kikilos dun. Sila ang sisita sa mga nagkamali,” dagdag na ni Nieto.

Lumabas din ang mga panayam kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay sa mga isiniwalat nito na aniya hindi lang mga contractors ang dapat imbestigahan sa nangyayaring korapsyon kundi ang mga kongresista rin na nangingialam sa mga flood control projects sa kanilang distrito.

“Wala pong pasaring kahit kanino. Opinyon ko lang ito. Marami lang kasing nagtatanong kung bakit ‘di daw ako napapasyal ng Baguio. Sabi ko, ‘andaming trabaho.’ Good vibes lang kami dito,” pagdiriin ni Nieto.

Sinabi pa ni Nieto na wala aniyang araw na walang ginagawa ang lokal na pamahalaan upang maging flood-free na ang bayan ng Cainta kahit walang kontrata sa pribado[ng mga contractor] kundi mga equipment ng LGU ang gamit at mga empleyado ang nagpapatakbo.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

4-Wheel Joyride, kakatay sa regular Taxi?

INIANUNSYO kahapon ng JoyRide Philippines, isang local ride-hailing firm ang taxiservices nito sa Metro Manila. Magiging pareho raw ang magiging singil ng JoyRide taxi services...