TULOY pa rin ang papamasada ng mga jeepney driver sa Taytay Rizal sa kabila ng unang araw ng transport strike na maalalang inilunsad ng ng mga jeep at UV Express na kasapi ng mga grupong Alliance of Concerned Transport Organizations, Manibela at Piston nitong Huwebes.
Ang transport strike ang sagot ng mga grupo sa pagbibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng deadline na Hunyo 30 sa mga operator na hindi pa nakasunod sa industry consolidation.
Ito ay Bahagi ng PUV Modernization Program, kung saan kailangang maging kasapi ng kooperatiba o korporasyon ang mga operator at tsuper.
Ayon kay Jun Ading na isang miyembro ng kooperatiba ng tsuper, patuloy ang kanyang pamamasada sa kabila ng transport strike dahil siya ay nakapag-consolidate na, “Hindi naman ako kasali sa kanila, naka coop na ako, yung ibang hindi namasada hindi pa sila nakakapag-consolidate hindi kagaya sa amin, nakapag consolidate na kami.” saad ni Jun
Dagdag pa ni Jun wala na din silang magagawa, masakit man ay kailangan na lang sumunod sa gobyerno.
Nanawagan si Kuya Jun sa gobyerno sa pinaplanong phase out ng mga jeepney, “Sana naman ayusin nila, kasi magaganda pa naman ang mga jeep namin hindi pa naman ito luma.”
Samantala, ilan sa jeepney driver ay umalma sa hindi pakikiisa ng kapwa mga jeepney driver sa tigil-pasada, ayon kay Mang Tony dapat ay hinaharang ang mga ito.
Ayon kay Danny Pawaki na isang jeepney driver ng Taytay-Edsa Jeepney Association, sa loob ng 20 taon ang nagtulak sa kaniya para makiisa sa tigil-pasadang ito ay dahil ito lamang ang alam at nakasanayan nilang hanapbuhay, “Ito lang hanap-buhay namin, ito lang alam namin na hanapbuhay, pamamasada, wala na kaming alam na iba, kasi dito na kami nasanay.”
Aniya nakapag-paaral siya ng tatlong anak dahil sa kanyang pamamasada ng tradisyunal na jeep, kaya’t mahalaga ang papamasada niya sa araw-araw ngunit kailangang makiisa sa transport strike na ito,
Tutol si Mang Danny sa modernization ng mga jeepney dahil bukod sa maayos pa ang kanilang mga jeep ay mahal ang bagong ipapalit at hindi kakayanin ng mga operator.
Dahil sa tigil-pasada ay wala rin silang ibang pagkakakitaan dahil ito lang ang kanilang nakasanayan ngunit nakiisa rin at suportado si Mang Danny ng kanyang pamilya sa nagaganap na transport strike, “di baleng magutom ng ilang araw, wag lang magutom nang habang panahon.”
Nanawagan naman si Mang Danny sa gobyerno na ‘wag ituloy ang pagpe-phase out ng mga tradisyunal at pangsariling jeep, na sana ay hindi lang mga mimyembro ng kooperatiba ang payagan na bumyahe dahil ito lang ang kanilang hanapbuhay.
Kailanganang makapag-consilidate o kahit pending application hanggang ikaw-30 ng Hunyo ang mga tsuper, kung hindi ay mapapaso ang provisional authority nila at hindi makakapamasada.
With Additional Reports from Amorliza Barnido (Intern)

