Buboy Villar, walang galang sa lola

Share

PINAGBABATO nang matitinding batikos si Buboy Villar ng maraming netizens matapos
diumanong bastusin nito kamakailan ang isang lola sa live telecast ng generic Eat Bulaga sa
isang LRT station.

Sa eksena, kasama ni Buboy si Isko Moreno na namimigay ng cash sa mga maswerting
nanalo sa segment na “G sa Gedli” noong Sabado, July 29, 2023, sa isang LRT-2 station.

Ito ay nataon sa kontrobersiyal na 44th anniversary celebration ng programa na ipinalalabas sa
GMA7.


Pagkasakay sa tren, bumaba sina Buboy at Isko sa Cubao station at sinalubong ang isang lola
na nabigyan na nila ng P1K habang nasa loob ng tren.

BASAHIN  Passport, 5 araw na lang ang processing


Tinanong ni Buboy ang lola, at sumagot ito na, “Ay naku, noon pa man talagang Eat Bulaga!
(na) ako!”


Pagkatapos nito ay pinasalamatan ni Isko ang lola at agad niyakap.


Pagkatapos ay sumagot ang lola, “Salamat po, Tito, Vic at Joey” Kahit na mabilis inalis ni Buboy ang microphone, narinig pa rin sa ere ang “Joey”.


Dahil dito, maraming nag-post ng reaction sa Instagram account ni Buboy at binastos daw nito
ang matanda nang ilayo ang mic sa lola kahit na ito’y nagsasalita pa.


Ganito rin daw ba ka-bastos si Buboy sa kanyang lola? Mga ka-Brabo, anong masasabi n’yo?

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

“Laugh Philippines?”

“LAUGH Philippines?” He, he, he. Ito marahil ang nasa isip ni Senador Nancy Binay tungkol sa “Love the Philippines”, tourismcampaign slogan ng Department of Tourism...