‘Tahanang Pinakamasaya,’ hindi na masaya; 130 kawani mawawalan ng trabaho

Share

UMABOT sa 97 production staff ng “Tahanang Pinakamasaya” at 33 kawani ng TAPE Inc. ang mawawalan ng trabaho dahil sa pamamaalam sa ere ng programa.

Matatandaang nang kumalas sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa “Eat Bulaga” noong Mayo 31, 2023 at lumipat sila sa TV 5,  pinili lamang nila ang production staff na gusto nilang makasama.

Nitong Enero 24, nagdesisyon ang Marikina RTC Branch 273 ng injunction laban sa TAPE Inc. na pumipigil sa paggamit ng “Eat Bulaga” trademark, kahit na ito’y iapela pa ng mga Jalosjos sa korte. 

Hindi napatunayan ng TAPE na sila ang nakaisip at lumikha ng trademark na “Eat Bulaga”, dahil dito pinalitan  ng TAPE ang pamagat na “Tahanang Pinakamasaya”.

BASAHIN  1M ‘DDS’ supporters nag-unfollow kay Vice Ganda

Ayon sa report ng Pep.ph, nakapanlulumo ang nakaambang pagsasara ng programa dahil marami ang mawawalang ng trabaho, na karamihan sa kanila ay may binubuhay na pamilya at pinag-aaral na mga anak.

Maraming vloggers at netizens ang natuwa sa pangyayaring ito, pero dapat awa at simpatiya ang ginawa nila sa mga staff na nawalan ng trabaho at hindi dapat gawing katatawanan ang nangyari.

Ang mga staff sa “Tahanang Pinakamasaya” pati na rin lahat ng programa sa TV ay hindi regular employees, kundi talents, kaya sila ay per project ang sweldo—kung walang project, walang kita.

Ayon kay Isay Molato ng Sociedad Filipino Intelligente, dapat kumilos kaagad ang Department of Labor at DSWD para mabigyan nang ayuda ang mga nawalan ng trabaho.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Aksyon mula sa bagong Agri Chief, kailangan

DAPAT agad na tugunan ng bagong agriculture secretary ang mga malalaking isyu saindustriya ng pagsasaka. Ito ay ayon sa mga pinuno ng agro-industrial sector nitong...