Dahil sa 5 miscarriages: Kyla, nag-sorry sa anak

Share

NAGING emosyonal ang OPM artist na si Kyla Alvarez sa isang interview sa episode ng “Magandang Buhay” nitong Peb. 21.

Ito ay matapos niyang sabihing nakatanggap siya ng isang video nang pagbati sa kanyang anak na si Toby, kahit na noong nakaraang buwan pa ang 43rd birthday niya.

Napaluha si Kyla at sinabing si Toby ang pinaka-prayoridad niya sa kanyang buhay.

Nag-iisang anak lamang ang 10-anyos na si Toby, sa kanyang mister na si Rich Alvarez, isang basketball player.

“Kapag anak na ang pinag-usapan, talagang parang walang ibang importanteng bagay o mas iimportante more than Toby… I’ll forget everything, iiwan ko ang lahat para sa kanya. We just feel so lucky and blessed that we have you, anak. You are an amazing kid.” ani Kyla.

BASAHIN  Oyo, Kristine, inaasahan ang ika-6 na anak

Sa malungkot na tinig, sinabi ni Kyla na hindi na niya mabibigyan pa ng kapatid si Toby.

Matatandaang limang ulit nang nakunan sa kanyang ipinagbuntis si Kyla, at malabo na siyang magka-anak muli.

“And, whether or not magkakaroon ka ng sibling or ano — sorry, but we could not give it to you… We will be here for you to guide you and love you, and just cherish every moment with you anak; I love you so much!” ani Kyla.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

₱4.4-B, naiambag ng S. Korea sa ‘Pinas

Umabot sa US$80 milyon o ₱4.4 bilyon ang official development assistance (ODA) ng South Korea sa Pilipinas nitong 2023. Ayon kay Korean Ambassador to the...