Rehistradong SIM na pwedeng pang-scam, P1K ang bentahan

Share

NAGBABALA noong Huwebes ang National Privacy Commission (NPC), laban sa pagbebenta
ng rehisradong SIM (subscriber identity module) cards para sa cellphones at iba pang mobile
devices.


Nakakalarma raw ang NPC sa nabalitaan nilang talamak na pagbebenta ng rehistradong SIM
cards sa walang-alam na indibidwal sa halagang humigit-kumulang P1,000.


Nilinaw ng NPC na ito ay labag sa batas, sa ilalim SIM Registration Act (Republic Act No.


11934). Ang ganito raw gawain ay magsasa-panganib ng bumibili ng pre-registered SIM dahil
mahaharap siya sa legal na usapin o kaso, kaya hinihiling nila ang pakikipagtulungan ng publiko.


May parusang pagkakulong mula anim na buwan hanggang anim na taon, o multang P100,000
– P300,000, o parehong pagkakakulong at multa ayon sa diskresyon ng korte, ang pagbebenta
ng pre-registered SIM Mas mabigat ang parusa sa paggamit nito sa scam.

BASAHIN  Ex-cop na nanutok sa siklista, pinakakasuhan ng DILG


Samantala, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC) umabot sa 113.97 milyon
(67.83 percent) ang nairehistrong SIM , sa tinatayang 168.02 milyon na nasa buong bansa.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Sagot ni Mayor Vico kaugnay sa artikulong inilathala ng BRABO News

NARITO ang kabuuang sagot ni Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa artikulong inilathala ng BRABONews.com at nasa baba ang aming sagot:"Why are you...