Sharon, gusto nang makipagbalikan kay Gabby?

Share

History repeats itself, pero sa pangarap lang at hindi sa totoong buhay.

Tila ganito ang nadarama nina Sharon Cuneta, anak na si KC at Gabby Concepcion sa kanilang Dear Heart concert, mahigit isang buwan na ang nakalilipas.

Kamakailan, naging emosyonal si Sharon sa isang interview sa programang Fast Talk with Boy Abunda, ito ay nangyari nang mapag-usapan nila ang relasyon niya sa anak na si KC, gayundin sa tila-fairy tale na pagsasama nila noon ng kanyang dating asawang si Gabby.

Dahil first time sila na muling nagkasama ng orihinal niyang pamilya, tumulo ang mga luha ni Sharon, nang dumating si KC sa rehearsal nila ni Gabby ng Dear Heart concert. Napagtanto rin niya na may mga pagkakataon na malungkot talaga ang pinagdadaanan ng bawat miyembro ng pamilya sa isang broken family.

“I feel for my daughter kasi kaya ako iyak nang iyak doon sa stage when she came kasi feeling ko, parang we lost so much [time together] — yung kaming tatlo… Kaming tatlo, Gabby, me, and KC.”

Habang pumapatak ang mga luha, nasambit ni Sharon,

“We could have not lost so much. We could have had a good life, the three of us, because Gabby and I were okay, but then things happened… “Up to now, it pinches me a lot kasi bilang nanay, kahit anong ibigay mo na

BASAHIN  Estudyanteng Pilipino, inimbitahang mag-aral sa Korea

materyal na bagay, ang gusto ng bata, magkasama kayong magulang.”

Habang ipinalalabas sa screen ang maikling video nang pagyayakapan nilang tatlo sa Dear Heart concert, “Look at us, the three of us. That family should have remained a family. I did not imagine that that family would break up.”

Kahit may panghihinayang si Sharon — na natural lamang para sa isang ina, dahil sa pagkasira ng kanilang pamilya ni Gabby — masaya rin naman daw siya ngayon dahil sa pagkakaroon ng tatlo pang anak at asawang katulad ni dating Senador Kiko Pangilinan.

Kung hindi raw sila nagkahiwalay ni Gabby, “But then, I wouldn’t have Kakie, Miel, and Miguel. But that’s another thing,” pagtatapos ni Shawie.

Si Sharon ang bida sa Metro Manila Film Festival 2023 official entry na Family of Two (A Mother & Son Story).

Kabilang dito sina Alden Richards, anak ni Sharon; Miles de Ocampo, Jackielou Blanco, Tonton Gutierrez, Donita Rose, at Pepe Herrera. Umiinog ang kwenta sa single mother na si Maricar (Sharon) at anak nitong si Mateo (Alden).

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Zubiri OK sa rebyu ng economic provisions ng 1987 Constitution; resolusyon inihain

PARA maiwasan ang pagkakaroon ng krisis sa ating Konstitusyon, naghain si SenatePresident Juan Miguel Zubiri ng pinagsamang resolusyon ng Senado at Karama upangmaamyendahan ang...