Top 6 wanted ng Makati, nasakote

Share

Isa na namang wanted na kabilang sa wanted list ng Makati City Police ang nasakote matapos hainan ng warrant of arrest sa kasong illegal na droga.

Kinilala ng Makati City’s Top 6 Most Wanted Persons (TTMWP) ang suspek na si Oliver Jose y Olis, 32-anyos na hinainan ng warrant of arrest  na inisyu ni Honorable Judge Jacob Macalla Montesa II, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC)  Branch 63 ng Makati City na may petsang July 21, 2023, at walang inirekomendang piyansa.

Inaresto si Jose ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena section ng Makati City Police kasama ang  personnel ng West Rembo Police Station bandang 1:30 ng hapon sa Orkidia St., Brgy. Rizal, Makati City.

BASAHIN  ₱2-M shabu nasabat sa Makati

Nahaharap sa kasong paglabag sa  Section 11 Article II ng RA 9165 docketed under Criminal Case Nos. R-MKT-23-00903-CR ang suspek na si Jose.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Station Custodial Facility ng Makati City Police Station.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Aksyon mula sa bagong Agri Chief, kailangan

DAPAT agad na tugunan ng bagong agriculture secretary ang mga malalaking isyu saindustriya ng pagsasaka. Ito ay ayon sa mga pinuno ng agro-industrial sector nitong...