7 Pinoys nawawala, 22 ang nailigtas sa digmaan sa Israel

Share

PITONG Pilipino ang nawawala at 22 ang nailigtas sa Gaza Strip habang lalong umiinit ang
digmaan sa pagitan ng Israel at ang Hamas, isang militanteng Palestinian group.


Ayon sa ulat ng Philippine Embassy (PhilEm) sa Tel Aviv, isa sa 22 nailigtas ay ginamot sa
isang ospital sa Beersheba, samantalang ang isa ay ginamot dahil sa smoke inhalation, pero
kinalaunan ay pinalabas na. Dinalaw ng labor attaché at welfare officer ng embahada ang
dalawa.


Ayon sa News5, isang Pilipinong caregiver, si Gallenor Pacheco, ang kumpirmadong dinukot
ng grupong Hamas. Positibo siyang kinilala ng kanyang misis na si Clarice Pacheco, matapos
mapanood ang video nito sa social media.


Samantala, kinilala ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga nawawala
na sina Grace Cabrera, Shelly Romillo, Norilyn Babadilla, Gallenor Leandro Pacheco at Loreta
Alacre.


Apat sa mga nailigtas ang kinilalang sina Loreta de Costa, Buena Besol, Marilyn Magana at
Joey Fasulingan. Si Fasulingan, na mula sa Cagayan Valley, ay tinamaan ng bala at
nagpapagaling na ngayon sa Ichilov Hospital in Tel Aviv.

BASAHIN  Kapit sa patalim: 71% ng manggagawang Pilipino


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 25 sa 137 mga Pilipino sa Gaza Strip ang
humiling na mailikas sila. Ito ay sa harap nang pagbabanta ng Israel Defense Forces na
pupulbusin ang lahat nang pinagtataguan ng grupong Hamas.


Ayon sa PhilEm, mayroong 30,000 Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan sa Israel, kabilang
ang 300 agricultural students na nag-aaral sa bansang ito.


Ayon sa CBS news, umabot na sa mahigit 1,000 ang napapatay sa digmaan, 256 dito ay
mamamayan ng Israel, at mahigit 2,150 ang nasaktan sa magkabilang panig.


Bukod sa datos na ito, ibat’t ibang bansa ang nag-ulat na napatay, dinukot, o nawawala ang
kani-kanilang mamamayan. Kabilang dito ang Brazil, Britain, France, Germany, Ireland,
Mexico, Nepal, Thailand at Ukraine.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Hindi ang sampal kundi “natural causes,” ang ikinamatay ng estudyante

“NATURAL CAUSES” daw ang dahilan nang ikinamatay ng Grade 5 student na sinampal ng kanyang guro, dulot nang hindi normal na kundisyon sa kalusugan. Ito...