HomeNews6 katao patay sa...

6 katao patay sa lindol sa Mindanao

Umabot na sa anim ang naiulat na bilang ng mga nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental noong Biyernes.

Ayon sa Office of Civil Defense Region 12, tatlo katao ang namatay sa General Santos City, dalawa sa bayan ng Malapatan at isa sa Glan sa Sarangani.

Nasa 17 gusali naman ang nagtamo ng pinsala dahil sa malakas na lindol.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang assesment ng OCD sa idinulot na pinsala ng naturang pagyanig.

BASAHIN  20 katao patay sa dengue sa Gensan

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA