Bypass road ng DPWH naghatid saya sa mga estudyante ng ‘Last Mile Schools’ sa Bulacan

Share

HINDI lamang saya kundi naghatid din ng pagbabago sa buhay ng mga mag-aaral at guro ng tinatawag na ‘Last Mile Schools’ sa Bulacan ang pinasinayaang konstruksyon ng Doña Remedios Trinidad-Dingalan Bypass Road.

Ayon sa Department of Education (DepEd), tinuldukan na ng 67.93 kilometrong kalsada na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang matagal nang hamon sa transportasyon, na nagbigay-daan sa mas mabilis at maginhawang biyahe hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa buong komunidad.

Sinabi pa ng kagawaran na matagal nang naging hadlang sa edukasyon ang malalayo at bulubunduking bahagi ng bayan ng Doña Remedios Trinidad dahil sa nakakapagod na lakarin pati na rin sa mga guro ang maalikabok at maputik na daanan.

Nagpasalamat naman ang ilang guro at magulang dahil hindi na sila maglalakad ng mahabang oras sakay ng kabayo o kalabaw kundi angkas na ng motor. (Photo: DepEd Media)

Ang mga nasa kategoryang ‘last mile schools’ ng DepEd ay ang mga eskuwelahan na nasa malalayong lugar na mahirap puntahan kabilang na rito ang Talamsi I Elementary School, Talamsi II Elementary School, Kalawakan Elementary School at Kambubuyugan Elementary School ng nasabing bayan.

Sa pahayag ni DepEd Secretary Sonny Angara, sinabi nito na ang pagpuno sa mga kakulangan sa pisikal na akses ay kritikal upang makamit ang pagkakapantay-pantay sa mga pinakamalalayong kampus sa bansa.

BASAHIN  Higit ₱5-B tulong ng U.S. sa DepEd apektado sa bagong polisiya ni Trump

“Ang proyektong ito ay patunay lamang na hindi lang natin tinatapos ang pisikal na isolation kundi tinutuldukan natin ang kakulangan ng oportunidad sa edukasyon ang mga nasa pinakamalayong kabundukan,” sabi ni Angara.

Isang bagong gusaling may apat na silid-aralan ang itinayo ng DPWH sa Talamis II Elementary School at kumpleto ito sa solar energy system, water system, at satellite internet connection. (Photo: DepEd-Media)

“Sa pagtutulungan ng DepEd at DPWH para sa mga ligtas na kalsada at modernong silid-aralan, tinitiyak natin na ang foundational at quality education ay abot-kamay na rin ng bawat bata sa ating mga Last Mile schools,” dagdag pa ng Kalihim.

Bukod sa kalsada, umabot din ang tulong-imprastraktura sa loob mismo ng paaralan kung saan isang bagong gusaling may apat na silid-aralan ang itinayo ng DPWH sa Talamis II Elementary School at kumpleto ito sa solar energy system, water system, at satellite internet connection.

Nagpasalamat naman ang ilang guro at magulang dahil hindi na sila maglalakad ng mahabang oras sakay ng kabayo o kalabaw kundi angkas na ng motor at hindi na pumapasok ang mga mag-aaral na balot ng putik ang uniporme.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

One ID system para sa mabilis na serbisyo sa mga Pasigueño, inilatag ni Discaya

INILATAG kahapon, Huwebes, ni Pasig City mayoralty aspirant Sarah Discaya ang kaniya plano na magkaroon ng One ID system para sa mga Pasigueño. Ayon kay...