Ex-taxi driver buking sa pagpasabog sa NAIA Terminal 3, nahuli na

Share

Nahuli na ang utak sa paghahagis ng Molotov bomb noon September 23 sa open parking area ng NAIA Terminal 3 kung saan tatlong sasakyan ang nadamay sa pagsabog sa Terminal 3, Pasay City.

Ayon kay APCapt. Froilan Sanchez, hepe ng Terminal 3 MIAA Terminal Police Section (MIAA T3-TPS), nakilala ang suspek na si Renieldo Dela Peña Perez, alyas “Bolayog, dating taxi driver. 

Nalambat ang suspek matapos na may lumapit na informat sa T3- Terminal Police Station Office at itinuro ang suspek kaya naman agad na ikinasa ang follow up operation para mahuli ang suspek.

Natiyempuhan ang suspek ng mga nakaabang na Airport Police sa open parking area ng terminal 3 at doon  na dinala sa  tanggapan ng Terminal Police Station.

BASAHIN  PNP iimbestigahan ang umano’y ‘mistaken identity’ sa napatay na 15-anyos sa Rizal

Inamin naman ng suspek na siya ang naghagis ng Molotov bomb dahil sa galit niya sa ginawang paghihigpit ng Airport Police sa mga transport operation.

Inamin din ni Bolayog na nilagyan niya ng gasolina ang isang bote ng energy drink at nilagyan ng tela bago sinindihan at inihagis sa parking area ng terminal 3.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek  sa Pasay City Jail at sinampahan ng kasong Attempted Arson at Alarm and Scandal na isinampa noong October 6 sa sala ni  Assistant Chief Prosecutor Clarence Español ng Pasay Prosecutors Office

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Panibagong usapang pangkapayapaan sa NPA, ekis kay Teodoro

WALANG negosasyong magaganap sa isinusulong na panibagong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at New Peoples Army (NPA), ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro...