Nagretirong opisyal, 2 kawani ng army pinarangalan

Share

OPISYAL na pinarangalan ni Commanding General Lt. Gen. Antonio Nafarrete ang mga nakatakdang magretiro sa serbisyo na mga opisyal at kawani ng Philippine Army.

Ito’y ginanap sa flag raising and retirement ceremony sa Headquarters ng Phil. Army sa Fort Bonifacio, Taguig kahapon Abril 13, 2026.

Kinilala ng hukbo ang ambag na kontribusyon sa organisasyon ng mga magreretiro na si Col. Belinda Ganotice; Civilian Human Resource Personnel na sina Ms. Josephine Flameras at Ms. Imelda Buela.

Mensahe ng Commanding General sa mga nag-retiro: “Nawa’y patuloy n’yong ibahagi ang inyong karanasan at pagpapahalaga sa anumang landas na inyong tatahakin. Nagretiro kayong may paggalang sa inyong mga kasamahan at sa Philippine Army.”

BASAHIN  Alternatibo sa girian sa WPS inilatag ng ilang eksperto sa depensa, seguridad

Kinilala rin ng Philippine Army ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng mga opisyal, enlisted personnel at Civilian Human Resource habang sila ay aktibo pa sa serbisyo.

Habang tinapos umano ng mga ito ang kanilang serbisyo, buong puso nilang ginampanan ang kanilang mandato sa organisasyon, at pinaglingkuran ang sambayanan. (EDWIN ECHAGUE)

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Trabaho, Trabaho, Trabaho sa Laguna IT hub

NANANATILING mababa ang bilang ng mga walang trabaho sa Calabarzon Region, na nasa 5.5percent lang, ayon sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong...