10 Pulis-Angono swak sa kasong ‘hulidap’

Share

DINIS-ARMAHAN at nasa kustodiya na ng Personnel Holding and Accounting Section (PHAS) ng Rizal Provincial Police Office (Rizal-PPO) ang sampung pulis na nakatalaga sa Angono Municipal Police Station (MPS) sa mga kasong ‘pekeng’ drug arrest at ‘hulidap.’

Sa isang press conference dakong alas-10 ng gabi kahapon, Pebrero 10, 2026, sinabi ni PCol. Eleazar Barber Jr., provincial director ng Rizal PPO, na mahaharap sa kasong administratibo ang nasabing mga alagad ng batas.

Nag-ugat ang nasabing kaso sa isang insidente na naganap noong Nobyembre 10, 2025 kung saan nagsagawa ng isang drug buy-bust operation ang mga awtoridad at nadamay lamang ang biktima na isang criminolgy student.

Sa imbestigasyon ng National Police Commission (Napolcom), nakita sa CCTV na may inaresto nang dalawang suspek sa ilegal na droga bago mag-alas-5 ng hapon at ilang minuto lang ay hinuli rin nila ang biktima na napadaan lang sa lugar sakay ng kaniyang motorsiklo.

Tugma naman ito sa salaysay ng biktimang si Nestor Makabenta Jr., at sinabing pinalabas umano ng mga pulis na nahuli siya sa isang buy-bust operation dakong alas-10 ng gabi.

Ayon naman kay Napolcom Vice-Chairperson and Executive Officer (VCEO) Rafael Calinisan, may pruweba umano si Makabenta sa mga akusasyon nito dahil sapul din sa CCTV ang ginawang pagharang sa kaniya ng mga nakadamit-sibilyang mga operatiba at pilit na isinasakay siya sa isang sasakyan.

BASAHIN  ₱700-K shabu nasabat sa 3 tulak sa Parañaque

Sa loob ng sasakyan, nakita niya ang dalawang naunang suspek na nahuli at pinilit umano siyang paaminin na siya ang nagsu-suplay ng ilegal na droga sa dalawa ngunit mariin niya itong itinanggi.

Sinaktan umano siya ng mga pulis at upang matapos na ang pang-aabuso sa kaniya, napilitan na lamang umano siyang aminin ang akusasyon.

Kasabay nito, kinuha umano sa kaniya ang isang gold ring na regalo ng kaniyang namayapang ina at hiningan din siya ng P50,000 na ipapadala sa GCash.

Matapos ang dalawang buwan, ibinasura ng piskalya ang kasong kriminal laban sa biktima dahil sa hindi matibay at mali-maling salaysay ng mga pulis kumpara sa CCTV footages na tugma naman sa testimonya ng mga barangay tanod.

Idinagdag pa ng Rizal PPO na magsasagawa rin sila ng parallel fact-finding na may koordinasyon sa Napolcom upang malaman ang katotohanan at kung ano ang magiging pananagutan ng bawat isa na sangkot sa kaso.

IBA PANG BALITA

Persistent ‘Habagat’ rains threaten Luzon and Visayas as multiple weather systems enhance monsoon

PERSISTENT rains from the southwest monsoon, locally known as habagat, will continue to drench key regions across Luzon and the Visayas through midweek, state...

Monsoon rains gridlock Metro Manila, halting Pasig River Ferry operations

HEAVY monsoon rains enhanced by the southwest monsoon (habagat) triggered street-level flooding across Metro Manila on Saturday, August 8, forcing the continuous suspension of...

PH foreign reserves ease to $103.4 billion in july, maintaining strong financial shield

PH foreign reserves ease to $103.4 billion in july, maintaining strong financial shield THE Philippines’ gross international reserves (GIR) dipped to US$103.4 billion at the...

Sandro Marcos opens up on Duterte camp’s 2022 endorsement terms

HOUSE Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos revealed that the eventual fallout of the "UniTeam" alliance was largely foreseen, pointing to an intense underlying...

Apple Pay officially arrives in the Philippines with major banking partners

APPLE Pay has officially launched in the Philippines, allowing local cardholders to make secure, contactless payments using their Apple devices across retail stores, mobile...

Mga ‘putok’ ni James Bond

KATAWATAWA siguro si Daniel Craig aka James Bond (JB) kung ang gamit niya sa Skyfall at iba pang 007 movies ay ang bansot na...