HomePolice StoryEstudyanteng nagmamaneho ng motorsiklo...

Estudyanteng nagmamaneho ng motorsiklo inararo ng nasaging kotse

ISANG menor-de-edad na estudyante na papasok kaninang umaga sa eskuwela sakay ng kaniyang motorsiklo ang binangga ng sadya ng isang motorista nang tinakbuhan umano siya nito matapos masagi ang kaniyang kotse.

Ayon sa Facebook post ni Jonald Reynaldo, pinsan ng ama ng bata na si Jheff Felix at ninong ng 15 anyos na estudyante, nangyari ang insidente kaninang umaga habang mabagal ang daloy ng trapiko sa may bandang palengke ng bayan ng Teresa sa lalawigan ng Rizal.

Maririnig sa video na tinakbuhan umano siya ng estudyante kaya hinabol niya ito at nang inabutan sa Alas Street, sa Brgy. Poblacion ay inararo nito ang estudyante.

Kaagad na nagsilapitan ang mga tao at habang nagpapaliwanag ang drayber ng kotse, sinigawan ito ng isang babae na hindi kailangang banggain nito ang estudyante.

Ayon sa pinakahuling update, nagkasundo na ang magkabilang panig na ayon sa pulisya ay sasagutin na lamang ng nagmamaneho ng electric vehicle na kotse at napag-alamang empleyado ng bangko, ang pagpapagamot sa biktima.

Ipapaayos na rin di-umano ng suspek ang nasirang motorsiklo matapos makipag-usap sa mga magulang ng estudyante na walang helmet at driver’s license nang mangyari ang insidente.

Sinabi ni Police Corporal George Tirados, ng Teresa Municipal Police Station at imbestigador ng nasabing kaso na takot umano ang nanaig sa estudyante kaya tumakas ito matapos niyang masagi ang kotse na nagresulta sa habulan at gitgitan hanggang sa mabundol ito ng suspek.

BASAHIN  Obrero huli sa P102-K shabu

Ngunit sinabi ni Tirados na kung sakaling magbago ang isip ng pamilya ng biktima, attempted homicide umano ang maaaring isasampang kaso laban sa suspek dahil batay sa video ay may ‘intent to kill’ na motibo.

Samantala, dahil naging viral ang insidente, nagpasya si Acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez, na kanselahin ang lisensya ng suspek upang panagutin ang mga iresponsableng driver na inilalagay sa peligro ang buhay ng mga road users.

“‘Yang driver na ‘yan, walang karapatan magmaneho sa kalsada. Sabihin na nating totoo mang nasagi ‘yung kanyang sasakyan. Tama bang habulin at bundulin mo ‘yung bata?,” galit na saad ni Lopez.

Nakikipag-coordinate na rin ang DOTr sa kapulisan ukol sa naganap na insidente at kakausapin din ni Acting Secretary Lopez ang pamilya ng estudyante kung saan handa umano silang magbigay ng abogado sa pagsasampa ng kaso laban sa driver.

“No amount of explanation can justify his actions. Mas may edad siya eh, dapat alam niya kung ano ang tama,” dagdag pa ng Kalihim.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA