Mahigit ₱2-M shabu, nasabat sa isang HVI sa Valenzuela City

Share

Walang kawala ang isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng Valenzuela Police noong Huwebes.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Reymond Hudas”, 33-anyos, residente ng Block 4, Lot 5, Phase 2A, Northville 1, Barangay Bignay.

Sa report kay Northern Police District (NPD) Director BGen. Rizalito Gapas, ipinabatid ni Valenzuela Police Chief Col. Salvador Destura Jr. na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa suspek na nagbebenta umano ng droga sa kanilang lugar at kalapit na mga barangay.

Nitong Huwebes ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa Block 4 Lot 5 Phase 2A, Northville 1, Barangay Bignay, kung saan, may suot na Body Worn Camera (BWC) ang mga operatibang kasama sa operasyon.

BASAHIN  Face-to-face classes suspendido, libreng sakay inilatag ng Pasig LGU

Nakuha mula sa suspek ang humigi’t kumulang 365 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱2,482,000, buy bust money, hard case, cellphone at digital na timbangan.

Kinasuhan ng paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o Comrehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek, na isinampa ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutors Office.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

2 Rapist nalambat sa Manhunt OPS ng NPD

Nasakote sa magkahiwalay na manhunt operation ang dalawang manyakis na binata na  parehong wanted sa kasong panggagahasa sa menor-de edad sa Cavite at Malabon...