Magtipid sa kuryente – Gatchalian

Share

“Maging masinop sa paggamit ng kuryente.”

Ito ang panawagan ni Senador Win Gatchalian sa publiko habang ipinagdiriwang ang mahabang holiday season kung kailan nasa peak ang konsumo ng kuryente.

“Magsilbing paalala sana ang National Energy Consciousness Month, hindi lamang sa buwang ito kundi sa buong taon, para makita natin ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng kuryente,” saad ni Gatchalian.

Idinagdag pa niya na anumang responsableng paggamit ng enerhiya ay hindi lamang para sa pagtitipid ng pera, matitiyak din natin ang pagbabawas ng environmental impact dahil dito.

Ang Disyembre ay idineklara na National Energy Consciousness Month sa ilalim ng Proclamation No. 1427 upang ipaalala sa publiko ang kahalagahan nang pagtitipid sa enerhiya.

BASAHIN  MTRCB, ibinasura ang mosyon ng It’s Showtime vs suspension

Ayon kay Gatchalian, ang inaasahang pagdating ng El Niño phenomenon sa sususnod na taon ay nagbibigay-diin na kailangan talagang magtipid sa enerhiya.

“Dahil ang El Niño phenomenon ay nagdudulot nang mas mainit kaysa sa karaniwang kondisyon ng panahon, maaaring magdulot ito ng pagtaas ng konsumo sa kuryente dahil sa pagtaas din ng demand. Kaya kailangang tiyakin na ang bansa ay may sapat na suplay ng enerhiya upang matugunan ang pangangailangan ng kuryente,”sabi ni Gatchalian.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

China, sinasakop na rin pati mga kalsada sa bansa – Tulfo

“ANG karagatan natin sa West Philippine Sea ay sinasakop na nga ng China, pati banaman mga kalsada natin ay papayag tayong sasakupin na rin...