3 wanted nalambat sa Rizal

Share

NALAMBAT ng mga tauhan ng Rizal Police Provincial Office (RPPO) ang tatlo katao na kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons ang nasakote ng Binangonan at Taytay Municipal Police Station sa ikinasang  police ops kamakalawa.

Sa report mula sa tanggapan ni RPPO Director PCol. Felipe Maraggun, matagumpay ang paghahain ng warrant of arrest at naaresto ang tatlong wanted na nagtago sa batas.

Unang naaresto si Alyas Glynda, 28-anyos,  residente sa Brgy. San Juan Taytay, Rizal na kinilala bilang Provincial Level Most Wanted Person sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at may inirekomendang piyansa na ₱220,000.00 para sa kanyang pansantalang kalayaan.

Dalawang akusado naman ang naaresto ng Binangonan MPS, at ito ay sina Alyas Janeth, 50-anyos, nakatira sa Brgy. Bilibiran Binangonan, Rizal at Alyas Enrique,  construction worker at residente ng Brgy. Batingan, Binangonan, Rizal.

BASAHIN  Grade 12 student arestado sa pagnanakaw  ng palaman

Si Janeth ay nakatala bilang Ranked No. 6 Regional Level Most Wanted Person sa kasong Kidnapping with Homicide habang si Enrique naman ay listed bilang Regional Level Most Wanted Person sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyang nakakulong ang tatlong akusado sa Custodial Facility para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Sinabi naman ni Col. Maraggun na patuloy ang kanilang adhikain na mahuli ang mga taong nagtatago sa batas. 

“Mas paiigtingin pa natin ang kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad, gayundin ang mga taong may standing warrant of arrest upang mahuli at maibigay ang hustisya ng tapat. Ang pagtutulungan ng bawat isa ay isa parin sa pinaka epektibong paraan upang magkaraoon tayo ng isang payapa at maayos na bayan,” ayon kay Col. Maraggun. 

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Nagpanggap na Feng Shui expert na wanted sa pagnanakaw at estafa, arestado

Arestado ang isang nagpakilalang Feng Shui expert na nangulimbat umano ng milyon-milyong halaga ng alahas at pera mula sa mga hinuhulaang biktima. Kinilala ang suspek...