Nagpanggap na Feng Shui expert na wanted sa pagnanakaw at estafa, arestado

Share

Arestado ang isang nagpakilalang Feng Shui expert na nangulimbat umano ng milyon-milyong halaga ng alahas at pera mula sa mga hinuhulaang biktima.

Kinilala ang suspek na si Ivan Borromeo Alyas Celine, residente ng Fernandina 88 Suite, 801 P. Tuazon St., Brgy Socorro, Quezon City.

Nabatid na modus na ng suspek na mangpanggap bilang Feng Shui expert at kung minsan ay nanghuhula na malayo sa katotohanan ang mga hula nito at mula pa noong 2015 ay marami nang mga naloloko at nagrereklamo laban sa suspek, kung saan umabot na umano sa mahigit ₱50 milyong piso ang natangay nito.

Kinasuhan ng 2 counts ng Estafa si Borromeo matapos maaresto ng mga tauhan ng DSOU-QCPD sa pamamagitan ng isinilbing warrant arrest.

BASAHIN  Cara y cruz palit shabu, 4 huli

Halos dalawang linggo din minanmanan ng mga otoridad ang suspek na nagpalipat-lipat ng condominium.

Samantala, mariin namang itinanggi ng suspek ang mga akusasyon laban sa kanya.

IBA PANG BALITA

Nursing student arestado sa robbery extortion

ARESTADO ang isang nursing student sa isinagawang entrapment operation ng Pasig City Police Station sa kasong robbery extortion, madaling araw ng Mayo 23, 2026...

4,633 bagong kaso ng HIV sa Q1 ng 2026, NCR nangunguna

INANUNSYO ng Department of Health-Epidemiology Bureau (DOH-EB) na 4,633 ang bagong mga kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa mula Enero hanggang Marso 2026...

‘All aBOARD Expo 2026,’ kasado na sa QC

KASADO na ang pangunahing family-oriented na tabletop gaming event sa Pilipinas, ang ‘All aBOARD Expo ’26 na gaganapin sa Quezon City mula Mayo 28...

Suspek sa rape-slay sa lola sa Rizal, tiklo

ARESTADO ang isang lalaki sa loob lamang ng 36-oras matapos ang agarang follow-up investigation at hot pursuit operation hinggil sa panghahalay at pagpatay sa...

Halos 24,000 guro sumalang sa assessment test para maging school principal

UPANG higit pang itaas ang antas at kalidad ng basic education, umabot sa 23,994 mga guro ang kumuha ng pagsusulit para maging schoo, principal. Layon...

Search, rescue ops sa 3 nawawalang pinoys sa israel

INIHAHANDA na ang search and rescue operations para sa 3 Filipino na hindi pa nakikitamatapos ang 18 araw na digmaan sa pagitan ng Israel...