DWWW’s George Castro: Oldies but Goldies

Share

WEIRDO!

Ito ang tawag ng kanyang friends sa isang teenage fan ni George Castro, DJ ng DWWW, dahil mahilig itong makinig ng oldies but goldies music: Frank Sinatra, Nat King Cole, Tony Bennet, Karen Carpenter, atbp.

Mahilig talaga sa musika ang fan na si Nicole, 16, at gusto niyang pumasok sa UP Conservatory of Music sa susunod na taon.

Samantalang ang kanyang mga ka-edad ay nakababad sa earbuds at halos buong maghapong pakikinig ng rap at heavy-metal music, hindi raw ito attractive kay Nicole. Ingay o “sounds of protest” ang rap at heavy metal, dahil masakit daw sa tenga ang paulitulit na lyrics na “nonsense”.

Nag-aaral si Nicole ng Classical piano lessons kaya alam daw niya ang basta ingay o totoong musika.

Mapapakinggan si George sa DWWW AM Radio, mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 pm – 1:00 a.m, sa kanyang programang “Just for Tonight”.

Ilan sa mga suki ni George ang doctor-singer na si Zonoy Zuñiga, pati na rin sina Atty. Romulo Macalinta, Dulce, Darius Razon, Rafael Centenera, atbp.

Mostly, ang mga suki ni George ay seniors, retirees, professionals, dating OFWs, drivers at pasahero ng taxi, Grab, at iba pang transport companies. Pero may ilang “weirdos” na bagets gaya ni Nicole na patuloy na nakatutok sa programa pagsapit ng 9:30 p.m.

BASAHIN  Child Rights Network sumagot sa isyung ‘Dirty Ashtray’ award

Nag-OFW sa Sri Lanka

Mahirap din ang pinagdaanan ni George noong siya’y OFW sa Sri Lanka, bilang station manager ng English FM station na Legends 96.6, a decade ago.

Nagsimula siya sa istasyon from scratch, hag-hire ng DJs at iba pang staff. Siya rin ang gumawa ng playlist para sa araw-araw na broadcast, at nag-train ng bagong DJs.

Maraming beses na nagkaroon ng friction sa pagitan nina George at ilang Sri Lankan DJs, dahil sa hindi sila pagkakaintindihan at bad English accent ng mga ito, parang Indian accent.

Samantala, taliwas sa doomsday predictors, “Radio will stay forever! More importantly, DJs, especially Filipinos will never be replaced convincingly by AI (Artificial Intelligence),” pagdiriin ni George.

Kahit daw meron nang AI na Tagalog, Cebuano, Iloco, atbp., hindi pa rin katanggap- tanggap ang kanilang accent, kaya malabo nitong palitan ang Pinoy DJs.

Kung gusto ninyo ng mellow, relaxing music, ‘yung tunay na music, ugaliing making kay George Castro, sa “Just for Tonight”, sa DWWW, 774 AM, Lunes hanggang Biyernes. Hindi n’yo na kailangang maging “weirdo” para mag-enjoy sa quality music.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Listahan ng disqualified candidates, ilalabas na – COMELEC

SINABI ni Comelec Chair George Erwin Garcia na may posibilidad na mailabas na sa linggongito ang desisyon ng poll body sa disqualification cases (DQ)...