PRC, magpapakalat ng mga volunteer sa Pista ng Itim na Nazareno

Share

Magpapakalat ang Philippine Red Cross (PRC) ng 1,000 volunteers at emergency services vehicles sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Maynila sa Martes, Enero 9.

Binigyang diin ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon, na nakaantabay ang kanilang emergency response unit at emergency medical team para umalalay sa mga sasama sa Traslacion.

Iginiit pa ni Chairman Gordon na hindi maiiwasan ang aksidente sa prusisyon kaya nakaalerto ang kanilang team para magbigay ng agarang lunas.

Maliban dito, maglalagay rin ang PRC ng emergency field hospital malapit sa Kartilya ng Katipunan shrine sa Ermita district, na magpapalakas sa onsite healthcare capacity ng Department of Health (DOH) at ng Manila Disaster and Risk Reduction and Management Office.

BASAHIN  37 senior citizens sa Caloocan City, tumanggap ng livelihood package

Dalawampung karagdagang ambulansya rin ang darating mula sa Central Luzon at CALABARZON para naman sa standby medical services.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Nagpanggap na Feng Shui expert na wanted sa pagnanakaw at estafa, arestado

Arestado ang isang nagpakilalang Feng Shui expert na nangulimbat umano ng milyon-milyong halaga ng alahas at pera mula sa mga hinuhulaang biktima. Kinilala ang suspek...