HomeWorldGrupo ni Gela Atayde,...

Grupo ni Gela Atayde, wagi sa World Hiphop 2023

TINALO ng grupo Gela Atayde sa World Hiphop Championship 2023 ang 4,000 na
contestants mula sa 54 bansa sa Phoenix, Arizona, noong Agosto 6 (petsa sa Amerika).


Nagpakitang gilas ang Legit Status dance group kasama si Atayde nang dominahin nito ang
MegaCrew division.


Si Atayde – ay bunsong anak nina Sylvia at Art Atayde at kapatid ni Cong.Arjo Atayde – at
nag-aaral ng Communication Arts sa De la salle. Isa rin siyang ABS-CBN Star Magic talent.


Dahil sa professionalism at hindi mapantayang level nang pagsasayaw, nanatiling number one
ang Legit Status sa lahat ng bahagi ng kumpetisyon. Si Vinni Rivera ang nagsilbing coach ng
grupo. Ang championship round ay ginanap sa Mullet Arena sa Phoenix.

BASAHIN  Humanitarian aid sa Gaza , ninakaw ng Hamas?


Samantala, nagwagi sa ikatlong pwesto sa MegaCrew division ang UP Streetdance Club.
Nagwagi rin ang kapwa-Pinoy na grupong HQ sa Adult Division.


Malaking tulong daw ang suporta ng kapwa-Pilipino maging ng mga kabataang Amerikano
habang sila’y nagpi-perform at pagkatapos na silay itanghal bilang overall winner sa
MegaCrew division, ayon sa kanilang coach.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA