DepEd union leader sa mga SDS: ‘Ratipikasyon ng CNA ‘wag harangin’

Share

NAKIKIUSAP si Atty. Domingo Alidon, presidente ng Department of Education-National Employees’ Union (DepEd-NEU) sa mga opisyal ng kagawaran partikular na ang mga Schools Division Superintendent (SDS) na tigilan na ang panghaharang sa ratipikasyon ng Collective Bargaining Agreement (CNA) na siyang daan para makatanggap ng insentibo ang kanilang mga non-teaching DepEd personnel member.

Ito ang tinuran ni Alidon sa unang araw pa lamang ng kanilang 3-day National Congress sa Baguio City na ginanap sa Crown Legacy Hotel, Nobyembre 26, 2025.

Sa isang mini-press conference, inisa-isa ni Alidon ang proseso ng CNA mula sa paglagda pa lamang ng miyembro ng unyon at pamunuan nito, pagpapanotaryo, ratipikasyon hanggang sa pagsumite ng mga dokumento sa Civil Service Commission (CSC) para makuha ang ratification number.

”Kapag walang mangyayaring ratipikasyon, walang silbi ang CNA kahit may kasunduan na. Kailangan kasi ng 50% plus 1. Ibig sabihin, sa 100 personnel, dapat ay may pumirmang 51,” ang paliwanag ni Alidon.

BASAHIN  236K puno para sa mga kabataan, target ng DepEd

Sinabi pa ni Alidon na hindi makagalaw ang marami sa kanilang non-teaching personnel member pagdating sa pagpapapirma dahil hinihintay pa umano ng mga superintendent ang division memorandum, na hindi naman na kailangan.

“Isipin mo hindi [sila] gagalaw hangga’t wala yong division memo. Napaka- bureaucratic talaga. Eh karamihan sa mga regional directors ay hindi alam ang proseso ng ratipikasyon, kaya’t hindi malinaw kung bakit tila ba nangingialam pa ang mga superintendents,” himutok pa ni Alidon.

”Kaya nga tinawag itong ‘honeymoon contract’ kasi partnership ito ng unyon at ng pamunuan. Kaya hindi na nila dapat hinaharang ang CNA,” pagtatapos ng union president.

IBA PANG BALITA

Security plan para sa ‘White Ribbon Movement’ rally inilatag ng EPD

INILATAG na ng Eastern Police District (EPD) ang security plan para sa nalalapit na “White Ribbon Movement” rally na gaganapin sa EDSA People Power...

TESDA, DOLE nag-partner para sa ‘training to trabaho’ program

LUMAGDA sa isang kasunduan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Labor and Employment (DOLE) upang pagtibayin ang partnership kaugnay...

DHSUD chief named ‘Bayani ng Urban Poor 2026’ for housing achievements

DEPARTMENT of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon “Ping” P. Aliling has been named the recipient of the prestigious Bayani ng...

Convo ng 2 lalaking estudyanteng suspek sa nangyaring pamamaril sa Tacloban City

KUMALAT na sa social media ang conversation (convo) ng dalawang lalaking estudyanteng suspek sa insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa...

PH health tech firms take center stage at DHF in Australia

AIMING to capture a larger share of the rapidly expanding global healthcare technology market, a high-level delegation of Philippine health tech enterprises showcased their...

OFWs: nakaligtas sa digmaan, hindi sa nakawan mga taga-NAIA, sagad ang kaimbutan?

HINDI maipaliwanag ang kaligayahan ng bawat Overseas Filipino Worker (OFW) na“nakatakas” mula sa bangungot ng digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas group. Marami sa...