TESDA, DOLE nag-partner para sa ‘training to trabaho’ program

Share

LUMAGDA sa isang kasunduan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Labor and Employment (DOLE) upang pagtibayin ang partnership kaugnay sa employment skills program.

Layon nito na bawat technical-vocational (tech-voc) scholar ay magkaroon ng walang patid na transisyon mula classroom tuloy-tuloy hanggang sa magkatrabaho.

Pinagtibay ng dalawang ahensya ang partnership na ito sa ilalim ng Supplemental Joint Memorandum Circular (JMC) noong Miyerkules, Hunyo 24, sa TESDA head office sa Taguig City.

Ang nasabing kasunduan ay pinangunahan mismo nina TESDA Secretary Kiko Benitez at DOLE Secretary Francis Tolentino upang pagtibayin ang employment facilitation, livelihood support, at technical vocational education and training (TVET) programs.

Binigyang-diin ni Benitez na lalo pang pinagtibay ng dalawang ahensya ang programang ito na dinisenyo upang tiyakin na may naghihintay na oportunidad sa mga Filipino pagkatapos na matuto mula sa isang pagsasanay.

“Pinagtibay ng kasunduang ito kung saan katuwang namin ang DOLE para magkatotoo ang iisa naming layunin tungkol sa ‘training to trabaho’ program. Sisiguraduhin namin na ang mga Filipino learners at workers ay hindi mapapabayaan. Dapat bigyan natin sila ng gabay at daan papuntang trabaho,” ang pahayag ni Benitez

BASAHIN  BREAKING NEWS: Zaldy Co, arestado na sa Prague

“Malaki ang oportunidad na magkatrabaho agad ang mga tech-voc graduates. Kaya naman sa TESDA, kayang-kaya ang trabaho agad,” dagdag pa ng dating kongresista.

Sinabi naman ni Telentino na ang kasunduan ay magsisilbing “catch-all Filipinos magnet,” kung saan maisasama rito ang mga nasa formal, non-formal, at informal economic sector.

“Pinag-isa natin ngayon ang lakas ng dalawang ahensya upang magbigay ng malawak na oportunidad para sa mga Filipino lalo na sa mga kabataan para sa oportunidad na sanayin sila hanggang sa dumating ang araw na sila ay magtayo ng kanilang sariling negosyo,” ang pahayag ni Tolentino.

“Ang ating nasaksihan ngayon ay isang oportunidad at isang emergency solution kung saan ina-upgrade natin ang isang konsepto na lilikha hindi lamang pansamantala kundi pangmatagalang sagot sa kawalan ng trabaho gamit ang skills training na inilalaan ng TESDA,” pagtatapos ng dating senador.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Mag-inang balikbayan galing Japan, bangkay na nang matagpuan

NAAGNAS na ang mga labi ng mag-inang balikbayan galing Japan nang matagpuan ng mga otoridad sa isang subdivision sa Tayabas City, Quezon, Huwebes ng...