E-boat ibinida ng DOST

Share

IBINIDA ngayon ng pamunuan ng Department of Science and Technology (DOST) ang isang Filipino-made Safe, Efficient and Sustainable Solar-Assisted Plug-In Electric Boat (SESSY E-Boat) na puwedeng ibiyahe gamit ang solar power.

Ayon kay DOST-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) Director Enrico Paringit, kung may e-jeep at e-bike sa kalsada, meron na ngayong e-boat na dagat naman at ito ang bagong imbensyon na mga mag-aaral ng Mapua University na pinondohan ng DOST at  Department of Energy (DOE) sa halagang P19-million project.

Kaya ng e-boat na magsakay ng 10 katao at tahimik ang takbo ng motor bukod pa sa mula sa araw ang enerhiya nito at nakakapag-imbak pa ng energy.

BASAHIN  Messenger, Facebook nagka-aberya

Nilinaw ni Paringit na marami nang e-boats sa bansa pero nakadisenyo ang SESSY e-boat para sa pangangailangan ng mga turismo dahil puwedeng maipagmalaki ang imbensyon na tiyak na hahangaan ng mga bisita dahil aprubado na ito ng Maritime Industry Authority.

Samantala, naghahanap pa rin ang DOST-PCIEERD ng  technology adopters para sa gagamit ng SESSY e-boat.

Piling-pili ang batteries at electric motors ng e-boat at nilagyan nila ng automatic identification system o AIS para hindi mawala at kaya nitong tumakbo hanggang dalawang oras sa apat na oras na charging at kung gamit naman ang solar panels ay maaaring lumarga ang  e-boat hanggat may araw.

IBA PANG BALITA

Drayber, opereytor ng dugyot na taxi ipinatawag ng LTFRB

IPINATAWAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang drayber at opereytor ng isang taxi dahil sa mabaho at dugyot na kalagayan nito. Mismong...

Messenger, Facebook nagka-aberya

PASADO alas-10 ngayong gabi, hindi na ma-access kapuwa ang Messenger at Facebook na parehong pagmamay-ari ng Meta, Inc. Kapansin-pansin na sa Viber na nagpapadala ng...

iACADEMY team advances to ASEAN AI Hackathon 2026 Regional Top 40

A team of students from iACADEMY has secured a place in the Regional Top 40 of the ASEAN AI Hackathon 2026, a prestigious competition...

CITEM activates strategic partnerships to drive export success

ADVANCING its mission to uplift Philippine enterprises, the Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) led a promotional conference on the China-ASEAN Expo...

Ortigas Malls honors Filipino artists who have made their mark on the global stage at the 128th Independence Day, Artistry & Legacy: A Tribute...

IN celebration of Independence Day, Ortigas Malls honors the visionary Filipino artists who have carried the nation’s creative and independent spirit onto the global...

2017 Asia’s Next Top Model, may tililing?

ANO kaya ang pinagdaanan ni Maureen Wroblewitz, dating Asia's Next Top Model season 5, dahilnoon ay ginusto niyang magpakamatay? Inamin kamakailan ni Wroblewitz na dumaranas...