Desludging caravan, inilarga ng Manila Water

Share

Magsasagawa ng desludging caravan ngayong buwan ang Manila Water, kung saan magkakaloob ito ng serbisyo para linisin ang septic tank ng mga kostumer.

Bahagi ng environmental sustainability at regulatory compliance ng Manila Water ang naturang serbisyo sa kanilang mga kostumer ng walang karagdagang gastos.

Binigyang diin ni Manila Water Corporate Communications Affairs Group Director Jeric Sevilla, na malaking bagay ang regular na paglilinis ng septic tank sa mga kabahayan upang matagal nila itong magamit.

Maaaring magpalinis ng kanilang septic tank ang mga residential customer sa Barangay Botocan, Malaya, Socorro, at Vasra sa Quezon City; Sta. Cruz at Bambang sa Pasig City; Bagong Silang at Harapin ang Bukas sa Mandaluyong City; Rizal sa Makati City; at Cupang sa Antipolo City.

BASAHIN  Burn ward ng Cainta Hospital, handa na

Upang ma-avail ang naturang serbisyo, makipag-ugnayan lamang sa mga barangay council o tumawag sa Manila Water Consumer Help Desk 1672 para malaman ang schedule ng desludging caravan.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Alternatibong pelikula, video, kailangan ng CCP

INIANUNSYO ng Cultural Center of the Philippines’ Film, Broadcasting and New Media Division (CCP FBNMD) na tumatanggap sila ng entries para sa 31st Gawad...