Markadong High Value Individual na mag-live-in partner tiklo sa damo

Share

KULUNGAN ang bagsak ng mag-live-in partner na markado bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit ₱67,000 halaga ng marijuana kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mag-live in partner na sina alyas “Ivan,” 26-anyos, stock man at alyas “Desiree,” 20-anyos, kapwa residente ng Block 28 Lot 2, Tierra Nova Phase 3, Brgy 171.

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag mula sa 911 ang desk officer ng Police Sub-Station 9 at ipinaalam ang nagaganap umanong illegal drug trade sa kahabaan ng Cartagena St., Tierra Nova Phase 3, Barangay 171, Bagumbong.

Agad na nagresponde sina PCpl Robinson Oya at PCpl Arby John Figueroa sa nasabing lugar kung saan nakita nila sa madilim na bahagi ng kalsada ang dalawang katao na tumutugma sa inilarawan sa tawag sa 911.

BASAHIN  Snatcher na-trap ng Grab driver, arestado

Nabuking naman ang dalawa dahil agad silang tumakbo nang makita ang presensya ng pulis kaya hinabol sila hanggang sa makorner at maaresto bandang 10:35 ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang shoulder bag na naglalaman ng humigi’t kumulang 560 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱67,200.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Art 151 (Resistance and Disobedience to a person in authority) at Sec. 11, Art. II, (Possession of Dangerous Drugs) of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Marikina Christmas shoe bazaar and banchetto bukas na!

BUKAS na ang taunang Christmas shoe bazaar na proyekto ng Marikina City local government unit (LGU) na kung saan libre ang renta ng 47...