INDAY SARA PUNONG-PUNO NA SA NPA?

Planong ‘peace curriculum’ inilalatag na ng DepEd, PNP

Share

PURSIGIDO ang Department of Education (DepEd) sa plano nitong isasama na sa mga tatalakayin sa klase ng mga estudyante ang programang ‘peace curriculum’ katuwang ang Philippine National Police (PNP).

Ito ang inihayag ni Atty. Michael Poa, ang tagapagsalita ng DepEd, sa isinagawang press conference ngayong umaga kasama ang bagong talaga na Executive Director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Undersecretary Ernesto “Jun” Torres, Jr.

Ayon kay Poa, kasalukuyang pinaplantsa na ng dalawang departamento ang isang Memorandum of Agreement (MOA) ngunit dahil hindi pa pinal, sinabi nito na hindi pa siya makakapagbigay ng detalyadong nilalaman ng kasunduan.

“Kanina natanong tayo kung ano nang mga hakbang ang ginagawa natin, that’s why nabanggit po natin na mayron tayong usapan with [the] PNP to come up with some agreement. So nagpa-finalize naman po sila with our Usec for Operations, so hintayin na lang po natin para makapagbigay kami ng mas accurate details once na lumabas ang MOA na ‘to.

Idinagdag pa ni Poa na kailangang paigtingin ang kampanya na kailangang malaman ng mga mag-aaral kung ano ang dahilan ng mga pangyayari partikular na ang mga kaguluhan kamakailan sa mga lalawigan ng Masbate at Camarines Sur na kung saan malapit lamang sa mga eskuwelahan ang mga insidente.

Ang tinutukoy ni Poa ay ang kamakailang insidente sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at teroristang New People’s Army (NPA) kung saan may ilang sundalo at pulis ang namatay at nasugatan.

“Yes, kailangan nating paigtingin talaga that’s why meron tayong cooperation with NTF-ELCAC at meron din tayong isinasagawang peace culture sa ating curriculum mismo. We want the learners to be aware of these things,” giit pa ng tagapagsalita.

BASAHIN  Away sa gf, tumalon sa building

Matatandaan na nito lamang nakaraang buwan ng Marso nang magkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng militar at rebeldeng NPA sa lalawigan ng Masbate malapit sa mga eskuwelahan, na ikinasawi ng isang sundalo at ikinasugat naman ng ilan pa.

Pansamantalang sinuspendi ng DepEd ang face-to-face classes sa mga bayan ng Placer, Dimasalang, Uson, Cataingan at Cawayan at ibinalik ang blended learning module.

Mariing kinondena ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte ang engkuwentrong naganap nitong mga nakaraang araw lamang sa limang bayan sa lalawigan ng Masbate sa pagitan ng teroristang New People’s Army (NPA) at militar.

Sinabi naman ni Usec. Torres na pinupunterya ngayon ng NPA ang mga eskuwelahan na makapaghasik ng karahasan sa mga estudyante dahil nagiging panangga nila ito laban sa mga puwersa ng pamahalaan.

“Well, ang initial assessment natin diyan ay ginagawa nilang cover yong school. Dahil nga yong operation ng mga security sector natin constrained yan ‘pag sa vicinity ng mga eskuwelahan sila nag-oopearate. Meaning, limited yong maneuver space. So ginagamit nilang cover yong mga eskuwelahan natin,” ang pahayag ni Torres.

Si Torres, na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nito lamang Marso 28 ay isang retiradong heneral na naging komander ng Northern Luzon Command (NolCom) at nagsilbi ring hepe ng 10th Infantry Division ng Philippine Army at nitong huli ay hepe ng Armed Forces Civil Relation Service ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

IBA PANG BALITA

Marcos courts global investors in Singapore following economic status upgrade

PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. has made a direct pitch to global investors here, urging them to partner with the Philippines as it enters...

Cultivating Creativity: 9th Ortigas Art Festival brings “Art for All” to GH Mall

THE intersection of community and culture takes center stage as the 9th Ortigas Art Festival transforms GH Mall into a vibrant, multidisciplinary hub of...

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

Grassroots groups urge Mayor Isko Moreno to ban indoor smoking and vaping areas in Manila

A coalition of 25 grassroots organizations has called on Manila Mayor Isko Moreno to implement a total ban on indoor designated smoking and vaping...

3-anyos nailigtas sa landslide pagkalipas ng 60 oras

ISANG MILAGRO! Hindi inaasahang ito ang nangyari, matapos mailigtas ng rescuers ang isang 3-anyos nabata, 60 oras matapos matabunan ng landslide sa isang isla sa...