Tambay arestado sa shabu at panghihipo sa dalagita

Share

Kulungan ang bagsak ang isang tambay nang panggigilang dakmain ang puwitan ng isang 16-anyos na dalagitang estudyante at makuhanan pa ng shabu ng umarestong pulis sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 11313 o ang Anti-Bastos Law at kasong Comprehensive Dangerous Drug Act o R.A. 9165 ang suspek na si Jethro Dionson, 27-anyos, residente ng16 Lemon St. Brgy. CAA BF. Homes, Las Piñas City.

Sa tinanggap na ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas kay P/Capt. Richie Garcia, Commander ng Valenzuela Police Sub-Station 9, nagtungo ang biktima, kasama ang mga kaibigan sa isang 7/11 convenience Store sa Maysan Road, Brgy. Maysan upang bumili ng ice cream bandang 8:30 ng gabi.

BASAHIN  Adik na tulak pa, huli sa shabu

Habang nakatayo ang biktima malapit sa pintuan ng establisimiento, nang biglang lumapit si Dionson at dinakma ang puwitan ng dalagita na napasigaw dahil sa pagbigla, sabay itinulak ang suspek.

Dahil dito, tumakbo ang suspek palabas at nagtago sa kalapit na terminal ng sasakyan habang nasaksihan naman ng isang rider ang pangyayari kaya humingi ito ng tulong sa nagpapatrulyang mga tauhan ng SS-9 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Dinala ang suspek sa presinto at nang atasan siya na ilabas ang laman ng kanyang bulsa ay dito natuklasan ang isang plastic sachet na naglalaman ng .05 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340.00 .

Kasalukuyang nakakulong ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Sharon, Kiko, hiwalay na? Si Gabby kaya ang dahilan?

PATULOY na umuugong ang bali-balita na hiwalay na raw sina Sharon Cuneta atmister nito na si dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan. Ito raw ay dahil...