Sharon, Kiko, hiwalay na? Si Gabby kaya ang dahilan?

Share

PATULOY na umuugong ang bali-balita na hiwalay na raw sina Sharon Cuneta at
mister nito na si dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan.


Ito raw ay dahil diumano, kung iba-base sa mga social media post ni Sharon at pati na
rin sa kaniyang body language sa kanilang “Dear Heart” concerts nang nakaraan taon,
tila gusto na niyang makipagbalikan kay Gabby.


Hindi po naniniwala rito ang Brabo News hanggang hindi nakukuha ang impormasyon
direct “from the horse’s mouth”.


Lumabas sa Instragram account ni Sharon kamakailan na pansamantala raw silang
naghiwalay ni Kiko noong Bagong Taon at kinalaunan ay muling nagsama.


Kasama noon ni Kiko ang kanilang mga anak na sina Miguel, Frankie, at Miel.


“Every post I made was just to show you when I was sad. And then, of course, like
everyone else, that’s normal,” dagdag pa ng megastar.

BASAHIN  Sharon, gusto nang makipagbalikan kay Gabby?


Hindi naman nilinaw ni Sharon kung anong bagay o sitwasyon ang kanyang inayos
matapos ang Bagong Taon.


“I don’t know why so many people are so mean. For the record, ain’t nothing wrong
with any of our brains,” dagdag pa niya.


Inamin ni Kiko na “Sabi ko nga, lahat ng pamilya, lahat ng mag-asawa, nangyayari ang
tampuhan.”


“Nag-away kami, naghiwalay kami, tapos nagbati na kami. So, okay na kami, okay?”
mabilis na dugtong ni Sharon… “That’s the meaning of all the messages I posted,”
aniya pa.


Ito ang hamon ng Brabo News kay Sharon: “Kung ang sagot mo ay mananatiling
pribado, sino ang pipiliin mong makasama habambuhay, si Kiko o si Gabby?”

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Dahil sa walang humpay na pagtugis, most wanted ng Samar sumuko—Abalos

SUMUKO na sa mga otoridad ang tinaguriang most wanted sa Samar matapos ang walang humpay na pagtugis sa kaniya ng pinagsanib na puwersa ng...