33.4 C
Manila
Thursday, November 21, 2024

Markadong High Value Individual na mag-live-in partner tiklo sa damo

KULUNGAN ang bagsak ng mag-live-in partner na markado bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit ₱67,000 halaga ng marijuana kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mag-live in partner na sina alyas “Ivan,” 26-anyos, stock man at alyas “Desiree,” 20-anyos, kapwa residente ng Block 28 Lot 2, Tierra Nova Phase 3, Brgy 171.

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag mula sa 911 ang desk officer ng Police Sub-Station 9 at ipinaalam ang nagaganap umanong illegal drug trade sa kahabaan ng Cartagena St., Tierra Nova Phase 3, Barangay 171, Bagumbong.

Agad na nagresponde sina PCpl Robinson Oya at PCpl Arby John Figueroa sa nasabing lugar kung saan nakita nila sa madilim na bahagi ng kalsada ang dalawang katao na tumutugma sa inilarawan sa tawag sa 911.

BASAHIN  Magpinsan nasakote sa pamamaril at droga sa Pasay

Nabuking naman ang dalawa dahil agad silang tumakbo nang makita ang presensya ng pulis kaya hinabol sila hanggang sa makorner at maaresto bandang 10:35 ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang shoulder bag na naglalaman ng humigi’t kumulang 560 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱67,200.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Art 151 (Resistance and Disobedience to a person in authority) at Sec. 11, Art. II, (Possession of Dangerous Drugs) of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

BASAHIN  LTO inalerto sa milyun-milyong magbabalik-Maynila

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA