SOBRA-SOBRA NA SA BILANG

Preno muna sa mga bagong TNVS drivers, MC taxi riders

Share

SINUSPENDI ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdagdag ng mga bagong motorcycle taxi riders at transport network vehicle service (TNVS) drivers alinsunod sa limitasyon na ipinatutupad ng pamahalaan.

Sa isang memorandum na may petsang Abril 30, inutusan ni DOTr Secretary Giovanni Lopez ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sabihan ang mga kumpanya ng TNVS at motorcycle taxi na itigil na ang pagtanggap ng mga bagong drivers.

Ang mga kumpanya na may valid na mga prangkisa o provisional authority ay hindi kasali sa kautusang ito at pinapayagan na tumanggap ng bagong mga drivers.

Sakop ng kautusan na ihinto ang pagdagdag ay yaong karaniwang proseso sa pagtanggap gayundin ang mga on-the-spot at same-day onboarding activities, maliban na lang kung may patiunang aprubal mula sa LTFRB.

Ayon kay Lopez, pinaiimbestigahan aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung bakit lumampas sa limit ang mga kumpanya sa pagtanggap ng mga drivers at riders at kung mapatunayan na may paglabag ay papatawan ng parusa.

BASAHIN  1% bawas ng taripa sa Pilipinas pinayagan ni Trump

Natuklasan ng DOTr na lampas na sa bilang ng mga drivers at riders nang nagsumite ng listahan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kumpanya upang makakuha ng ayuda.

Sinabi ng DSWD na 185,000 ang isinumite ng mga ride-hailing companies’ para sa TNVS drivers at 293,000 naman na motorcycle taxi riders.

Giit ni Lopez, malayo ito sa pinapayagan sapagkat dapat aniya ay 78,000 na TNVS drivers at 45,000 naman na mga motorcycle taxi riders.

Dagdag pa ng kalihim, paparusahan ng ahensya ang kasalukuyan at dating mga opisyal ng DOTr at LTFRB sa pangyayaring ito.

IBA PANG BALITA

Agarang tulong sa 2 estudyante na biktima ng pananaksak sa Zamboanga City ikinasa ng DepEd

NAGLABAS ng opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa panibagong napaulat na insidente ng pananaksak sa Cabaluay National High School sa...

DTI-CARP caravan bags over ₱3M in sales, connecting rural producers to Metro Manila

A recent government-led trade caravan has successfully bridged the gap between rural agriculture and urban markets, generating over ₱3 million in revenue and securing...

BIR eases rules on nominee transfers of club shares, drops ruling requirement

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) has streamlined the tax process for corporate-owned country club and sports club memberships, removing a major administrative hurdle...

Bagong mga posisyon para sa mental health program ng DepEd aprub na sa CSC

INAPRUBAHAN na ng Civil Service Commission (CSC) ang bagong mga posisyon na nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12080, o ang Basic...

House committee prods CSC to fast-track hiring standards for school counselors

LAWMAKERS from the House Committee on Basic Education and Culture recently criticized delays within the Civil Service Commission (CSC), urging the agency to fast-track...

Eat Bulaga hindi nalulugi – TVJ

KINONTRA nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon ang ang hindi kapani-paniwalang alegasyon ngkampo ni ex-congressman Romeo Jalosjos na nalulugi umano ang...