66 aplikante, hired on the spot sa selebrasyon ng Marikina City Day

Share

Umabot sa 66 na aplikante ang mabilis na nakakuha ng trabaho matapos silang ma-hired on the spot sa ginanap na Marikina City Day Job Fair nitong Huwebes, Abril 16.

Ang naturang aktibidad, na inorganisa ng Marikina City Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), ay isa sa mga pangunahing tampok sa pagdiriwang ng ika-396 na anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

Ayon kay Mayor Maan Teodoro, mahalaga ang pagsasagawa ng mga ganitong job fair upang mabigyan ng matatag na kabuhayan ang mga residente, lalo na’t nararamdaman ang epekto ng krisis sa gasolina at ekonomiya.

“Ngayong panahon ng krisis, gusto nating tulungan ang ating mga kapwa taga-Marikina na makahanap ng trabaho. Maganda rin itong chance for job seekers to connect with people and businesses,” pahayag ng alkalde.

Sa kabuuang 1,227 na aplikanteng nagparehistro, isang 20-anyos na residente ang naitalang unang hired on the spot bilang supermarket clerk.

Halos 50 kumpanya mula sa sektor ng pagkain, retail, at manufacturing ang nagbukas ng pinto para sa mga bagong empleyado, bukod pa sa limang overseas employment agencies para sa mga nagnanais mangibang-bansa.

Kasabay ng paghahanap ng trabaho, naging katuwang din ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng SSS, BIR, PAG-IBIG, Philhealth, DMW, at OWWA na naghatid ng kaukulang serbisyo sa mga dumalo.

BASAHIN  2 patay, 1 sugatan sa pagsabog ng pagawaan ng bala, armas sa Marikina

Binigyang-diin ng alkalde na hindi magsasawa ang pamahalaang lungsod sa pagpapalawak ng mga ganitong oportunidad sa hinaharap para sa kapakanan ng mga taga-Marikina.

Bukod sa job fair, naging abala ang lungsod sa serye ng mga aktibidad gaya ng cultural storytelling na “Salamyaan,” ang pagbubukas ng Women Entrepreneurs Fair at Angkan Banchetto, at ang inagurasyon ng Marikina Heritage Building na magsisilbing imbakan ng kasaysayan at sining ng lungsod.

Hindi rin naiwan ang mga “furparents” dahil naghandog ang City Veterinary Office ng libreng bakuna at grooming para sa mga alagang hayop, habang ang Bikeways Office naman ay naglunsad ng libreng bicycle lessons bilang bahagi ng active mobility initiative ng lungsod.

Alinsunod sa Republic Act No. 12103, ang Abril 16 ay isang special non-working holiday sa lungsod bilang pagkilala sa Marikina Day.

Ang mga aktibidad na ito ay ang ating paraan para magbalik-tanaw sa ating kasaysayan… at tuloy-tuloy magbigay ng serbisyo sa lahat. Ito ang aming pasasalamat at pagmamahal sa Marikina,” pagtatapos ni Mayor Maan. (AJ PAJARON)

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

AWOL na pulis, huli sa estafa

INARESTO ng mga tauhan ng National Capital Region Field Unit, Regional Special Operations Group, Regional Intelligence Division-NCRPO at Bacoor City Police Station ang isang...