‘Training-to-Trabaho’ caravan ng TESDA patok sa Cebu

Share

MAY kabuuang 811 Cebuanos ang naserbisyuhan ng Technical Education and Skills Development (TESDA) sa pamamagitan ng Kayang Kaya All-in-One Caravan na ginanap sa SM Seaside City mall sa Cebu City kamakailan.

Ayon kay TESDA Secretary Kiko Benitez, ito’y alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na palakasin ang workforce development, palawakin ang pagkakataon sa pagtatrabaho, at maghatid ng mga programang accessible, inclusive at employment-driven para sa mga Pilipino.

Ang nasabing one-stop event ay nagsilbi ring hub para sa skills development, certification, financial inclusion at employment services at upang gawing mas madali ang access sa mga programa ng pamahalaan mula training hanggang trabaho.

Si TESDA Secretary Kiko Benitez. (Photo: TESDA-PIO)

Sa 811 indibidwal na napagsilbihan, 364 ang nagparehistro sa TESDA Skills Passport na sumusuporta sa digitalization and streamlining of workers’ credentials.

Nagpa-enrol naman sa mga TESDA training programs ang 167 katao, kung saan 75 sa kanila ang dumalo sa training induction at 50 ang nakatapos ng kanilang training.

Sa assessment at certification, 10 ang sumailalim sa competency assessment at nakapasa para maging certified Computer Systems Servicing (CSS) o NC II holder.

Bahagi rin ang financial inclusion sa pagpapakilala sa Land Bank Piso Plus kung saan 52 ang nagbukas ng kanilang account para ma-access ang mga financial services na sumusuporta sa training at employment.

Para kay Ella Mae Gonzales, isang licensed teacher na kasalukuyang iskolar ng TESDA sa housekeeping, ang caravan ay isang hakbang palapit sa kanyang plano na magtrabaho sa ibang bansa.

Ilan sa mga dumalo sa training and induction program ng TESDA sa nasabing caravan. (Photo: TESDA-PIO)

“TESDA helps a lot of people. This is one of the requirements para makapag-abroad ako. To be honest, ito na lang ang kulang ko,” ayon sa kanya, kasabay ng pagpapasalamat sa libreng training. “One of the bridges to achieve my dream is TESDA.”

BASAHIN  Hiring ng DepEd lawyers suportado ng employees union

Samantala, ang job fair sa caravan ay binisita ng 77 aplikante, kung saan 14 ang near-hires at 2 ang hired on the spot (HOTS), na mas nagpapalakas pa sa training-to-trabaho pathway ng TESDA.

Isa sa kanila si Gilbert Wendell Felicilda mula sa Southern Leyte na nakakuha ng trabaho bilang production operator.

“Dahil na hire po nila ako, makakapag-ipon ako para sa pamilya ko. Malaking tulong ito sa mga nangangailangan ng trabaho,” ayon sa kanya.

Mga nagsipagtapos at nakakuha ng sertipikasyon mula sa TESDA. (Photo: TESDA-PIO)

Binigyang-diin naman ni Sec Kiko na ang tagumpay ng caravan ay nagpapatunay sa patuloy na commitment ng TESDA tungo sa skills development at mas accessible na employment opportunities sa bawat Pilipino.

“Hindi dapat pahirapan ang pagkuha ng skills at trabaho. Sa pamamagitan ng Kayang Kaya Caravan, pinapalapit natin ang lahat ng serbisyo sa mamamayan, mula training hanggang employment, para mas maraming Pilipino ang makinabang,” sabi ni Sec Kiko.

“Mas malinaw ang ating direksyon: training to trabaho. Hindi lang tayo nagtuturo ng skills—sinisigurado nating may patutunguhan itong disenteng trabaho at mas magandang kinabukasan,” dagdag pa ng kalihim.

Ang matagumpay na rollout ng Kayang Kaya All-in-One Caravan sa Cebu City ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng TESDA para palakasin ang technical education and training (TVET), palawakin ang access sa opportunities at tiyaking may mga trabahong naghihintay sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan sa industriya at mga programang tumutugon sa pangangailangan ng industriya.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Lalaking wanted ng NPD, nasakote sa Caloocan City

Arestado ang isang lalaki na nakatala bilang top 10 most wanted person sa Northern Police Ditrict (NPD) matapos maaresto sa isang manhunt operation sa...