Assistant manager ng P15-B gambling syndicate, timbog sa Las Piñas

Share

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 37-anyos na South Korean national na wanted sa kanyang bansa dahil sa pagpapatakbo ng malawakang operasyon ng ilegal na online gambling.

Kinilala ang suspek na si Lee Jonghak, na nadakip noong Martes ng umaga, Abril 14, sa isang subdivision sa Pamplona Dos, Las Piñas City. Ang operasyon ay pinangunahan ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa pakikipagtulungan ng Korean National Police Agency at PNP–Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).

Si Lee ay mayroong Interpol Red Notice na inisyu noong 2025 base sa arrest warrant mula sa Incheon District Court sa South Korea. Nahaharap siya sa kasong paglabag sa National Sports Promotion Act.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa Korea, mula noong Agosto 2021, pinaniniwalaang pinatakbo ni Lee at ng kanyang grupo ang hindi bababa sa 23 ilegal na online gambling websites.

BASAHIN  BI: “Backdoor” exit, ilegal, mapanganib

Kabilang sa kanilang operasyon ang sports betting at casino-style games, recruitment ng mga miyembro at mamamahala sa financial transactions.

Tinatayang umabot sa mahigit 350 bilyong won (mahigit P15 bilyon) ang kabuuang kinita ng sindikato, habang ang grupo ni Lee ay kumita umano ng hindi bababa sa 5.33 bilyong won.

Lumabas sa ulat na nagsilbing assistant manager si Lee na humawak sa iba’t ibang operational teams na binubuo ng humigit-kumulang 300 empleyado.

Bagama’t dumating sa Pilipinas si Lee noong 2024 bilang isang probationary permanent resident, agad siyang inilagay sa blacklist at watchlist ng BI bilang isang “undesirable alien” at “fugitive from justice” matapos matukoy ang kanyang mga kaso sa ibang bansa.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig si Lee habang inihahanda ang kanyang deportation proceedings patungong South Korea. (AR BERNARDO)

IBA PANG BALITA

Agarang tulong sa 2 estudyante na biktima ng pananaksak sa Zamboanga City ikinasa ng DepEd

NAGLABAS ng opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa panibagong napaulat na insidente ng pananaksak sa Cabaluay National High School sa...

DTI-CARP caravan bags over ₱3M in sales, connecting rural producers to Metro Manila

A recent government-led trade caravan has successfully bridged the gap between rural agriculture and urban markets, generating over ₱3 million in revenue and securing...

BIR eases rules on nominee transfers of club shares, drops ruling requirement

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) has streamlined the tax process for corporate-owned country club and sports club memberships, removing a major administrative hurdle...

Bagong mga posisyon para sa mental health program ng DepEd aprub na sa CSC

INAPRUBAHAN na ng Civil Service Commission (CSC) ang bagong mga posisyon na nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12080, o ang Basic...

House committee prods CSC to fast-track hiring standards for school counselors

LAWMAKERS from the House Committee on Basic Education and Culture recently criticized delays within the Civil Service Commission (CSC), urging the agency to fast-track...

Mahigit 273,000 COCs nai-file para sa BSKE

UMABOT sa 273,454 indibidwal ang naghain na ng kani-kanilang certificates ofcandidacy (CoCs) para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE),ayon sa Commission on...