HomeNewsSenadoPanibagong coup sa senado...

Panibagong coup sa senado pinabulaanan ni Lacson

PINABULAANAN ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na may namumuo na namang palitan ng liderato sa senado matapos ang isang coup nitong nakaraang linggo kung saan 15 senador ang nagpatalsik kay Francis “Chiz” Escudero bilang senate president.

Batay sa kumakalat na impormasyon may sapat na umanong bilang para palitan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang bagong halal na senate president na si Tito Sotto.

Ayon kay Lacson, peke umano ang nasabing bali-balita na ang layunin ay upang lituhin at guluhin lang ang mga tao.

Sa ngayon, ang bumubo sa minorya ay sina Bong Go, Robin Padilla, Jinggoy Estrada, Imee Marcos, Rodante Marcoleta, Chiz Escudero, Cayetano, Joel Villanueva at Bato dela Rosa.

Sinabi ni Lacson na ang tama at propesyunal na paraan ay magdala ng dokumento at ipakita sa kasalukuyang senate president na may 13 senador ang pumirma sa isang resolusyon.

“Karaka-rakang magbibitiw ang kasalukuyang senate president sa pagbubukas ng session, hindi sa mga media outlet,” ang pahayag ni Lacson sa social media post nito.

Matatandaan na nitong Setyembre 8, Lunes, at habang abala ang karamihan sa minorya sa isinasagawang pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay sa DPWH flood control projects controversy ay abala rin si Lacson sa “recruitment” para mapatalsik si Escudero.

BASAHIN  Allowance ng mga guro, magiging ₱10K na

Kaya sa sesyon ng senado sa hapon ding iyon ay biglang nagulat ang buong bansa sa palitang nangyari sa pagbubukas ng sesyon.

Bumangon umano ang bagong isyu na ito matapos pumayag si Sotto sa kahilingan ni House Speaker Martin Romualdez na hindi muna ibabalik sa senado ang witness na si Bulacan first district assistant district engineer ng DPWH na si Brice Hernandez matapos itong i-cite in contempt ng Mababang Kapulungan.

Nauna rito, na-cite in contempt na ng senado si Hernandez at ikinulong ito sa custodial facility ng senado at hiniram lamang ito ng Kongreso bilang resource person sa isinasagawa rin nitong imbestigasyon sa kahalintulad na isyu.

Sa sesyon nitong Setyembre 10, inamin ni Sotto na nag-give in umano siya sa request ni Romualdez na “ikinagalit” ng minorya at nag-iwan ng impresyon na para umanong “tuta” ng Speaker ang Senate President.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA