33.4 C
Manila
Thursday, December 5, 2024

5 DepEd executives, nagbitiw na sa puwesto

NAGBITIW na sa puwesto ang limang opisyal ng Department of Education o DepEd tatlong araw bago ang Hulyo 19, kung saan ito rin ang petsa ng opisyal na pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang Kalihim.

Ito ay kinumpirma ni DepEd Undersecretary and Chief of Staff Atty. Michael T. Poa sa kanyang viber message sa media noong Martes, July 16. Si Poa ay nagsilbi ring tagapagsalita ng kagawaran.

Ayon kay Poa, epektibo ang kanilang resignation sa July 19 kabilang ang dalawang undersecretaries na nag-resign at tatlo pang assistant secretaries kasama siya.

Sila ay sina Undersecretary for Administration Nolasco A. Mempin, Assistant Secretary Sunshine A. Fajarda, Assistant Secretary for Procurement Reynold S. Munsayac, Assistant Secretary for Administration Noel T. Baluyan at si Poa.

Tinalaga ang nasabing mga ex-DepEd officials sa ilalim ng pamumuno ni outgoing DepEd Secretary at Vice President Sara Z. Duterte.

“Tama naman na bibigyan natin ng kalayaan ang bagong Kalihim, si Secretary Sonny Angara, na pumili ng mga tao na bubuo sa kaniyang team,” saad ni Poa.

Ani Poa, hinihintay pa niya umano ang utos ni Vice President Duterte sa kanyang susunod na hakbang matapos ang pagbibitiw nito. “I will just wait for instructions from the vice president, if any,” dagdag pa ni Poa.

BASAHIN  Face-to-face classes suspendido sa Timog Luzon dulot ng Taal vog

Matatandaan na nagbitiw sa puwesto bilang DepEd Secretary at co-chair ng NTF-ELCAC si Vice President Sara Durte noong June 19.

Papalitan ni incoming Education Secretary Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara si Duterte. Itinalaga bilang bagong kalihim ng DepEd si Angara ni President Marcos Jr. noong July 2, ayon sa Presidential Communications Office.

Mananatili naman sa posisyon ang ilang opisyal ng DepEd na sina DepEd Secretary for Curriculum and Teaching Gina O. Gonong, Undersecretary for Finance Annalyn M. Sevilla, Undersecretary for Human Resource and Organizational Development Wilfredo Cabral, Undersecretary for Legal and Legislative Affairs Omer Alexander V. Romero at Undersecretary for Operations Revsee A. Escobedo.

Kasama din na mananatili sa puwesto sina Undersecretary for Procurement Gerard L. Chan, Undersecretary for School Infrastructure and Facilities Epimaco V. Densing III, Assistant Secretary for Curriculum and Teaching Alma Ruby C. Torio, Assistant Secretary for Curriculum and Teaching Janir Ty Datukan, Assistant Secretary for Operations Francis Cesar B. Bringas, at Assistant Secretary for Operations Dexter B. Galban.

Sa isang pahayag, sinabi ng tanggapan ni Angara na nirerespeto ng kalihim ang desisyon ng mga opisyal na magbitiw sa kanilang posisyon sa DepEd bilang Undersecretaries at Assistant Secretaries kasunod ang pagpapalit ng liderato sa kagawaran.

BASAHIN  Teenage pregnancy, dapat solusyunan – Gatchalian

Ayon pa kay Angara, nasa proseso na ng pagpapalit ng posisyon sa DepEd at inaasahan din iaanunsyo ang mga susunod na opisyal na uupo sa mga nabakante nito.

“Nananabik na kaming gampanan ang aming bagong papel sa Biyernes. Anumang mga kinakailangang pagbabago sa pagtatalaga ay kaagad naming iaanunsyo dahil nais na rin namin na magtrabaho na,” pahayag ni Angara.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA