Cyanide fishing sa Scarborough, iimbestigahan

Share

SINABI ng BFAR nitong Peb. 26 na nagtalaga sila ng legal at technical team para imbestigahan ang cyanide fishing sa Scarborough shoal o Bajo de Masinloc.

“Ang inisyal nating ginagawa ay magkaroon [na]ng pagkalap ng mga opisyal na pahayag doon sa mga mangingisda, mga sworn statement, para magamit natin[g] basehan,” ayon kay Nazario Briguera, spokesperson ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sinabi ng mga mangingisdang Pilipino na gumagamit ng cyanide sa pangingisda ang mga banyagang mangingisda na labis na nakapinsala sa lagoon.

“Bukas po kami sa pakikipagbalikatan sa iba pang ahensya ng pamahalaan, mga research institution para po talaga mapatunayan natin at magkaroon ng scientific basis itong sinasabi ng mga mangingisda,” aniya pa.

BASAHIN  NBI ready sagupain ang banta sa seguridad ng bansa

Sa kabila nito, mas maraming mga Pilipino ang nangingisda sa Scarborough shoal, ayon kay Nazario, “Kumpara natin nung nakaraang misyon na nasa 21 Filipino fishing boats lang, nitong huling misyon, nasa 44 fishing boats na ang nandoon at nakatanggap [sila] ng suporta mula sa pamahalaan.”

Samantala, nag-file si Sen. Francis Tolentino ng Senate Resolution No. 938 matapos ang napabalitang cynanide fishing ng mga Chinese at Vienamese.

“Nakakaalarma na ‘tong 21,000 acres of coral reefs na sinira, pero itong use of cyanide eh mas mabigat po ito. I now consider this as environmental terrorism,” saad Tolentino sa isang press briefing.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Philippine Red Cross magpapadala ng 228 winter tents para sa mga biktima ng lindol sa Turkey, Syria

MAGPAPADALA ng 228 na mga winter tents ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga naging biktima ng nangyaring 7.8 magnitude na lindol sa Turkey...