Planong pandurukot sa drayber ng pasahero napurnada

Share

NAPURNADA ang balak ng isang 52-anyos na lalaki matapos umanong dukutan ang isang jeepney driver habang bumibiyahe sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek sa alyas Artemio, binata, walang trabaho, at residente ng Parola Compound Barangay 20, Tondo.

Batay sa ulat ng Manila Police District Station 12, sumakay ang suspek sa jeep na minamaneho ng biktimang si alyas Ramon sa kanto ng Mel Lopez Boulevard at C.M. Recto Avenue patungong Divisoria.

Habang nasa biyahe, napansin ng driver na palihim na kinukuha ng suspek ang kanyang wallet mula sa jacket na nakasabit sa loob ng sasakyan.

Agad niya itong nahuli sa akto at nahawakan ang kamay ng suspek. Nagkataon namang nakahinto ang jeep sa tapat ng mga nagpapatrolyang pulis kaya agad na naaresto ang suspek.

BASAHIN  Estudyanteng nagmamaneho ng motorsiklo inararo ng nasaging kotse

Nabawi ang wallet ng biktima na may lamang mga ID at humigit-kumulang 300 pesos na cash.

Kasalukuyang nahaharap ang suspek sa kasong Theft o paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code. (AR Bernardo)

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

Medical Cannabis Bill maipapasa na sa Kamara

PAG-UUSAPAN at pagbobotohan na sa plenaryo ng House of Representatives ang medical cannabis bill. Ito ay matapos maglabas ng joint report ang House Committees on...