Napabayaang ospital sa Laguna pinapatapos ni PBBM

Share

Ipinag-utos ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaagad tapusin ang napabayaang ospital sa probinsiya ng Laguna.

Sa direktiba ng Pangulo sa DPWH dapat aniya madaliin ang konstruksyon ng mga natenggang health care facilities sa Laguna gaya ng Laguna Medical Center na halos limang taon nang hindi napapakinabangan ng mga taga-Laguna at ang pagsasaayos ng 56-taong Luciana District Hospital para sa maayos na health care service sa pasyente.

Sambit naman ni Secretary Vince Dizon, makikipagtulungan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Department of Health (DOH) upang matiyak na ang itatayong bagong Luisiana District Hospital ay nasa DOH Level 2 standard para sa maayos na pagdeliver ng health care service para sa labing-anim na bayan sa Laguna at sa mga kalapit lugar.

BASAHIN  Batas na lilikha ng Regional Specialty Centers, aprubado na

Binigyang pansin ni Dizon ang kahalagahan ng paghahanap ng pondo para sa natenggang mga ospital at kung possible ay hihingi siya ng tulong kay Mr. Marcos para tapusin ang mga proyekto upang pakinabangan ng mga residente.

“Maghahanap tayo ng pondo, hihingi tayo kay Presidente ng pondo para ma-restart natin ang pagpapagawa nito. Kasi hindi naman ‘to matagal eh. May pundasyon na eh. So ang commitment natin, next year tapos na ‘tong building na ‘to. At least makakadagdag ‘to sa hospital beds, makakadagdag sa ward, may bagong emergency room na pwedeng gamitin. So ang laking tulong nito,” sabi ni Dizon sa kaniyang pagbisita sa Laguna Medical Center kasama si Governor Sol Aragones kamakailan. (KARLO GARCIA)

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Opisina ni Teves sa Kongreso, ipinasara na

SINABI ni House Secretary General Reginald Velasco, dapat nang bakantehin angopisina sa Kamara ng pinatalsik na si Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr. Ito ay...