Libreng video drama para sa mga Ilocano

Share

VERY excited na ang marami sa ating mga kababayang Ilocano lalo na sa Metro Manila.

Ito kasi, malamang, ang kaunaunahang pagkakataon na makapanood sila ng broadcast-
quality video drama at halos 70 maiikling video sa wikang Iloko. Ito ay gaganapin sa Maynila, Tarlac, at iba pang panig ng bansa.

Ito ay bahagi ng “Maging Matiisin” Regional Convention ng mga Saksi ni Jehova na ginagawa sa mahigit 500 na wika sa buong mundo.

Sa Metro Manila, ito’y gaganapin sa Agosto 11-13 (Lunes-Biyernes), sa Paco Arena Events
and Sports Center, Lot 1 Block 854, Apacible corner Leroy Sts., Brgy 679, Zone 74, Maynila.

Sa Tarlac, ito’y gaganapin sa Agosto 25-27, 2023 (Lunes-Biyernes) sa Charlie O. Cojuanco
Multi-Purpose Arena, Brgy Poblacion 2, Pura, Tarlac.

BASAHIN  Halos ₱42-M alahas, pera, nilimas sa Ozamiz pawnshop

Sa Biyernes, matututo kung paano maging matiisin para maabot natin ang ating tunguhin.

Sa Sabado, paano tayo makapagpapakita ng pagtitiis para mapahusay natin ang ating
relasyon sa kapamilya at mga kaibigan?

Ipalalabas din ang unang bahagi ng Bible-based drama sa hapon.

At sa Linggo, sa drama, paano ipinamalas ni Amani at ng kaniyang pamilya ang pagiging
matiisin sa harap ng mga pagsubok na nagsapanganib sa kanilang buhay?

Ang programa sa tatlong-araw na kumbensyon ay magsisimula sa 9:20 ng umaga bawat araw at magtatapos sa 4:55 ng hapon, Biyernes; 4:30 p.m., Sabado; at 3:40 p.m., Linggo.

Para sa iba pang iskedyul sa Pilipinas, maging sa lahat ng pangunahing wika sa buong
mundo, pati na rin sign language, bisitahin ang www.jw.org.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

VP Sara dinalaw ang 7 eskuwelahan sa Masbate

BINISITA ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte kahapon ang pitong eskuwelahan sa lalawigan ng Masbate na kamakailan lamang ay naging sentro ng...