Road rage sa Makati, suspek sumuko 

Share

Sumuko na ang isa pang maangas sa baril matapos kumalat sa social media ang ginawang panunutok at pananakot sa isang motorcycle rider na isa palang pulis nang magkagitgitan na kalsada at sitahin sa dalang baril habang binabaybay ang  kahabaan ng Osmeña Highway, Barangay Pio Del Pilar, Makati City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director PBGen.  Roderick Mariano, kusang sumuko ang akusado na si Angelito Rencio y Velasquez bandang 7:45 Huwebes ng gabi (August 31) sa Makati City Police Station.

Si Rencio ang suspek sa isa pang  road rage na naganap noong August 25 sa kahabaan ng Osmeña Highway, na kung saan nag-viral sa social media ang naganap na road rage at pananakit nito sa isang motorista na isa palang pulis na si Police Staff Sergeant Marsan Dolipas.

Ayon sa report, nakita ni Rencio si Dolipas na may nakasukbit na baril sa baywang kaya sinita niya ito na kung saan nagkaroon ng panunutok ng baril sa dalawang panig na kung saan nagpakilalang miyembro ng AFP si Rencio habang hindi nito inakala na pulis pala ang sinitang rider.

BASAHIN  Totoy huli sa pagnanakaw, balik kulungan

Kinasuhan si Rencio ng paglabag sa  R.A 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Art. 177 o Usurpation of Authority, at Art. 151 na Resistance and Disobedience to a Person in Authority base sa Revised Penal Code na isinampa sa  Makati City Prosecutor’s Office.

Ayon kay Rencio, ginawa niya ang pagsuko upang masiguro ang kanyang kaligtasan matapos ang hindi mapigilang pagkalat ng mga video sa social media at ngayon ay nakakulong na sa Makati City Police Station.

Matatandaang sinabi ni Rencio reportedly sa Makati police investigators na isa siyang  retired intelligence operative ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at nagkaroon ng balakid sa pagitan ng Makati City matapos na payagan itong umalis ng presinto na dapat sana ay iditene na dahil sa illegal na pagdadala ng baril at na-relieve naman sa serbisyo ang dalawang  Makati police officers.

Nagsampa naman ng kasong usurpation of authority, illegal possession of firearms, at resisting arrest with the Makati Prosecutors Office si Dolipas.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

DepEd union leader sa mga SDS: ‘Ratipikasyon ng CNA ‘wag harangin’

NAKIKIUSAP si Atty. Domingo Alidon, presidente ng Department of Education-National Employees’ Union (DepEd-NEU) sa mga opisyal ng kagawaran partikular na ang mga Schools Division...