Lalaki na most wanted sa Valenzuela City, arestado sa ‘One time, big time’ operation

Share

Nahuli ng mga awtoridad ang isang lalaki na kabilang sa listahan ng most wanted persons sa Valenzuela City sa ikinasang One-Time-Big-Time Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang akusado na si alyas “Tigbak,”`na dinakip ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police at Northern NCR Maritime Police Station Navotas City sa Kabatuhan St., Barangay. Gen T. De Leon.

Batay sa report ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr., kay Northern Police District (NPD) Director BGen. Rizalito Gapas, isinagawa ang naturang operasyon bandang alas-10:00 ng gabi sa nasabing barangay, alinsunod sa agenda na inilatag ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations.”

BASAHIN  Planong Caloocan City Police District kasado na

Hinainan ng warrant of arrest si alyas “Tigbak,” na inisyu ni Presiding Judge Arthur Balbuena Melicor ng Regional Trial Court Branch 284, Valenzuela City noong February 22, 2024, para sa kasong Homicide.

Sa ngayon ay nakakulong ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang commitment order.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Comelec: TRO mula SC ‘di ibig sabihin na mali kami

ANG isang diskwalipikadong kandidato ay maaaring maghain ng apela sa Korte Suprema upang makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO), ngunit hindi ito nangangahulugan na...